ZYLA SANDRA SARCOVA "Food's here!" Biglang bumukas ang pinto. Gulat kaming lahat na napalingon sa pintuan. Nakangiting pumasok si Milo, bitbit ang ilang paper bags at insulated food carriers. "Tamang-tama! Gutom na kami," halos sabay na sabi nina Carlo at Den. "Good morning, po pala." Bahagyang yumuko si Milo habang tinutulungan siya nina Den at Carlo sa mga dala niya. "Ayos! Ang daming pagkain!" masayang sabi ni Carlo. "Of course. Sabi ni Boss, hindi puwedeng magutom ang creative team," natatawang sagot ni Milo bago sumulyap kay Zadrick. "Halina po kayo." Nauna siyang naglakad papunta sa mahabang dining table, at agad namang sumunod ang lahat. Ako naman, nakatayo pa rin sa tapat ni Zadrick habang mahigpit pa ring hawak ang kawawang white camellia. "Come on, Zy." Inilahad niya ang isang kamay patungo sa dining table. "You should eat... so you'll have enough energy for the—" Sinadya niyang putulin ang sasabihin. Mukhang alam niyang malapit ko na talaga siyang mahampas.
Last Updated : 2026-07-04 Read more