ZYLA SANDRA SARCOVAAng tamis ng ngiti ko kanina. Biglang umasim.Zadrick, eh. Wala sa lugar.Nawawala tuloy ako sa composure."Attention? Mukha mo!" Todo-ngiti pa rin ako, pero gigil ang tono ng boses ko."Hindi mukha ko ang kailangan ng attention—"Awtomatikong pumihit ako paharap sa kanya.Pero ang loko, hinawakan ang baba ko at marahang ibinalik ang mukha ko sa harap."Sa camera ka tumingin. Huwag sa akin."Hindi na lang ako umimik at nang magbago ang ilaw, agad na akong nag-exit.Rarampa pa kasi ulit sila."Congrats, Miss Zy!" Sinalubong ako ng palakpak ng buong team at staff pagpasok ko sa backstage."Thank you," sagot ko habang niyayakap sila at kinakamayan ang iba.Si Ate Mae, maluha-luha ang mga mata pero nakangiti.Pagkatapos ay pumasok si Zadrick, kasunod ang ibang modelo."Boss Zad! Ang galing mo!" nakangiting bati ni Milo.Pinalakpakan din siya ng lahat, pati ng mga modelo."Lahat sila ay magaling," sabi ko habang nakatingin sa mga modelo."Kasama ba ako ro'n?" bulong ni
Last Updated : 2026-07-10 Read more