Napanatag ang loob ni Direk Regalado, ngunit hindi maikakaila ang kaunting takot sa kanyang mga mata. Mabilis siyang tumango at napaayos ng kanyang salamin."O-Of course, Doña Greta. My lips are sealed," pormal nitong sagot habang bahagyang yumuyukod. "I'm a director, not a gossip columnist. I came here purely for work, and my offer to Chantal is purely professional.""Good," malamig na sang-ayon ni Doña Greta. "Sapagkat hindi magdadalawang-isip ang mga legal counsel ng pamilya Barcelona na ihabla ka kung may makalabas na kahit anong balita tungkol sa kinaroroonan ng aking menor o ng aming pamilya. Have a safe trip back, Director."Nang tuluyang makalayo ang sasakyan ng direktor, dahan-dahang pumasok muli si Doña Greta sa loob ng mansyon.Nadatnan niya si Chantal na nakatayo pa rin sa gilid ng foyer, nakatitig sa makapal na script na hawak nito gamit ang dalawang kamay. Halatang-halata sa mga mata ng dalaga ang halo-halong emosyon—takot, pananabik, at ang matinding pagkahilig sa sinin
Last Updated : 2026-09-25 Read more