Bahagyang napaatras si Direk Mateo habang nakataas ang dalawang kamay, pilit na pinipigilan ang isang pilyong ngiti nang makita ang matinding pagseselos ng bilyonaryo."Ah, I see," nakangiting tango ng direktor habang inaayos ang kanyang tayo. "Masyado palang strikto ang bago mong manager, Chantal," dagdag pa ng direktor.Parang nais nang matawa ni Chantal sa naging reaksyon ni Marco. Kita niya ang pagkulimlim ng mukha nito kasabay ng pag-igting ng panga.Tumikhim naman siya bago nagsalita."Marco Barcelona is not my new manager, Direk. He is... He is someone special to me," pahapyaw niyang wika.Umawang naman ang mga labi ng direktor bago sunod-sunod na tumango, na sa wari niya ay nakuha na nito kung ano ang ibig niyang sabihin."Oh, I see. Pasensya na," anito at nag-peace sign pa.Taas-noo namang sinalubong ng tingin ni Marco ang direktor. Nanatili pa rin ang pormal nitong ekspresyon bago ito nagsalita."Just establishing ground rules, Director. I respect your art, but I respect Cha
Last Updated : 2026-09-26 Read more