LOGIN"Naku, Ma'am Chantal! Ang ganda-ganda nating lahat!" natutuwang sigaw ni Ningning habang bitbit ang cellphone pabalik sa mesa para ipakita sa kanila. "Tingnan niyo po, mukha talaga tayong isang malaking pamilya!"Bahagyang nag-angat ng tingin si Doña Greta at nakisilip sa screen ng telepono. Sa larawan, kita ang matamis na ngiti ni Chantal habang nakahilig ang ulo sa kanyang balikat, ang protektadong akbay ni Marco sa dalaga, ang nakakalokong peace sign ni Knoxx sa likuran, at ang malalapad na ngiti ng lahat ng kasambahay at tauhan.Isang munting buntong-hininga ang kumawala sa ginang—isang buntong-hininga na walang halong galit kundi bahagyang pagkagulat sa sarili dahil pinatulan niya ang ganitong klaseng eksena."Well... at least I look presentable in that photo," pormal ngunit banayad na komento ni Doña Greta bago inayos ang kanyang pampaypay sa tabi ng mesa. "Now, can we eat? Baka lumamig na 'yang kanin."Natawa nang mahina si Marco habang itinataas ang sariling mga kamay para sa
Hindi agad nakapagsalita si Knoxx. Ang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi ay tuluyang napawi habang nakatitig sa kanyang lola. Tumingin siyang muli kina Marco at Chantal na sa pagkakataong iyon ay huminto na sa pagtatakbo—nakahawak si Chantal sa kanyang tuhod habang hingal na tumatawa, habang si Marco naman natatawang pinagmasdan ang asawa nito."Grandma..." mahinang pambabara ni Knoxx, naipit ang sariling boses. "Ibang tao naman si Chantal. Hindi naman siguro kagaya ni Dianne si Chantal hindi ba?"Isang malamig at sarkastikong ngiti ang kumawala sa mga labi ni Doña Greta. Dahan-dahan nitong itinaas ang kanyang pampaypay at pinalihis ang tingin sa dalawa."Everyone seems different at the beginning, Knoxx," pabulong ngunit may diin na wika ng ginang. "Dianne was loving too. But this family? This mansion? This lifestyle? It suffocates people who don't belong here. At kapag narealize ni Chantal kung gaano kabigat ang maging isang Barcelona... she will run away. Just like what Dianne d
"Lola, iligtas niyo ako sa apo niyong demonyo!" hysterical na sigaw ni Knoxx habang mas lalo pang idinidikit ang sarili kay Doña Greta, na tila ba ginagawang pananggalang ang matanda laban kay Marco."My gosh! Bitiwan mo ako, Knoxx! Mahahawa ako sa amoy mo! Ang dungis mo pa!" Nanggagalaiti ng sigaw ni Doña Greta. Imbes na makinig ay mas hinigpitan pa ng lalaki ang pagkakayakap sa lola nito. "Marco is bullying me, Grandma. Gusto ko lang namang makikain but he made me do the hard work!" Sumbong nito.Huminga ng malalim ang ginang bago nito tiningnan si Marco. "And why did you make your brother dive in charcoal and smoke?" Tanong ng ginang na para bang mga sampung taong gulang palang ang kaharap nito."I was just teaching him some skills. I never knew he was that bad!"Nagpatuloy pa ang argumento ng dalawang kapatid habang nakikinig sa mga ito ang sariling lola. Inilinga ni Chantal ang tingin niya sa paligid hanggang sa dumako iyon kay Manang Dolores.Hindi nakaligtas sa kanya na parang
Napatingin agad si Chantal kay Doña Greta nang marinig ang tanong nito. Agad siyang umiling at pilit na ngumiti para itago ang bahagyang pangingipit sa kanyang dibdib."H—Hindi po, Doña Greta. Naintindihan ko naman po tsaka nagbabakasakali lang naman po ako na imbitahin kayo," mahina niyang bigkas.Natigilan ang matandang babae. Tinitigan nito si Chantal nang ilang segundo—mula sa malambot nitong mga mata hanggang sa puting orchid na nakasuksok pa rin sa tainga ng dalaga. Bahagyang kumislap ang mata ng matanda, tila ba may naalalang lumang alaala mula sa nakaraan.Ibinaba ni Doña Greta ang kanyang pampaypay at nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga."You really do love to use your charm to get what you want, right?" Masungit nitong asik habang sinisipat ng tingin ang mahabang mesa kung saan may nakalagay ng mga dahon ng saging.Isang pigil na ngiti ang sumilay sa labi ni Chantal nang marinig ang sinabi ng ginang. Para narin nitong inamin na naaapektuhan ito sa karisma niya."
"Aray! Teka lang, Marco! Mababasa ng pawis 'tong polo ko! Kakagaling ko lang sa dry cleaner nito!" Angal ni Knoxx habang pilit na humuhagpos sa mahigpit na pagkakahawak ni Marco sa kanyang balikat.Walang kaawa-awang itinulak ni Marco si Knoxx malapit sa ginawang ihawan sa gilid ng outdoor kitchen, kung saan kasalukuyang sumasayaw ang makapal at mabangong usok mula sa nagbabagang uling.Inabutan agad ni Marco ang nakababatang kapatid ng isang mahabang metal tong. "Hawakan mo 'yan," malamig at maawtoridad na utos ni Marco habang kumuha ng pamaypay. "Ipagbaliktad mo 'yang liempo at bangus. Siguraduhin mong hindi masusunog. Kundi, papakainin kita ng uling."Napaubo-ubo si Knoxx nang tamaan ng hangin ang usok papunta sa direksyon ng kanyang mukha. Nangingilid ang luha nito habang pinapaypayan ang sarili gamit ang libreng kamay."Damn it!" Gigil na asik ng lalaki."You're infront of the food. Stop cursing!" Saway ni Marco kay Knoxx.Seryoso ka ba talaga dito Marco?! Napakarami mong tauhan
"Hindi daw nagseselos..." pabulong at nakangising bulong ni Ningning na sapat lang para marinig pa rin ni Marco.Pinalihis ni Marco ang kanyang matalim na tingin kay Ningning. "May sinasabi ka?""Sabi ko po, Boss, babalik na ako sa kusina para tingnan 'yung mga alimango!" mabilis na depensa ng kasambahay bago patakbong bumalik sa loob ng mansyon, halatang pinipigilan ang sariling humalakhak.Naipit si Marco sa kanyang kinatatayuan. Tumingin siya muli sa direksyon nina Chantal at Knoxx sa ilalim ng puno. Nakita niyang bahagyang napapahawak si Chantal sa kanyang tiyan habang tumatawa sa kung anumang kabalbalan na sinasabi ng kapatid niya.She looks so bright when she smiles like that. But it's annoying that she's smiling because of that díck brother of his!Mariin siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Ayaw niyang sirain ang magandang mood ni Chantal at baka mamaya ay magtalo na naman sila dahil sa kapatid niya.Inayos ni Marco ang kanyang pambahay na polo at dahan-daha







