Tumigil si Angelo sa paghakbang. Bahagya siyang lumingon sa akin, hindi ang buong katawan kundi ang kaniyang ulo lang, sapat na upang makita ko ang kaniyang madilim at seryosong mga mata. Walang bakas ng biro o pang-aasar sa kaniyang mukha ngayon."Napakawalang utang na loob naman pala ng isang malditang Batangueñang tulad mo," malamig niyang saad, bawat salita ay parang yelo sa tindi ng talim. "Kung hindi dahil sa akin, baka nasa morge ka na ngayon at malamig na bangkay. Sinundan kita, binaril ko ang kriminal, at binuhat kita pabalik dito habang wala kang malay. At ang utos ko lang ay maghugas at magluto, hindi mo pa magagawa? Kung hindi mo ako susundin matapos ang lahat ng ginawa ko sa iyo kagabi, malaya kang lumabas ng bahay ko ngayon din at maglakad pabalik ng Batangas."BLAAAG!!!Marahas niyang isinara ang pinto ng banyo, kasunod ng tunog ng pagpihit ng shower.Naiwan akong nakatulala sa gitna ng kama, nakabitin ang aking mga isasagot sa hangin. Nakanganga ako ng bahagya. Doon la
اقرأ المزيد