Click.Pagkasara ng pinto ng aking silid, napasandal agad ako sa likod niyon. Parang nawalan ng buto ang aking mga binti, at dahan-dahan akong napaupo sa malamig na sahig. Itiniklop ko ang aking mga tuhod at idinikit ang aking baba roon, habang tulalang nakatitig sa bakanteng espasyo ng kuwarto.Ang sakit. Napakasakit pala. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong klaseng kirot ng puso.Ayaw ko man itong aminin sa sarili ko noong una—dahil sa matinding pride kong Batangueña—pero matagal na. Matagal na talagang si Angelo ang tipo kong lalaki. Bago pa man ang mga gulong ito, tuwing nakikita ko ang kaniyang larawan sa mga magasin o tuwing naririnig ko ang kaniyang boses, may kakaibang pintig na sa aking dibdib.At nang magkaharap na kami? Kahit sinusungitan niya ako, kahit ginagawa niya akong katulong, at kahit halos magpatayan kami sa asaran, mas pinili kong lumaban. Hindi dahil sa galit ako sa kaniya, kundi dahil gusto kong magkaharap kami nang matagal. Ang pakikipagtalo sa kaniy
Read more