Nakatayo pa rin ako sa gilid ng sofa, nakatitig kay Jamilla habang hawak-hawak niya ang napakalaking bouquet ng mga bulaklak. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin, ngunit walang trace ng lambing o pasasalamat sa kaniyang mukha. Sa halip, isang matalim at salubong na kilay ang sumalubong sa akin."Anong kailangan mo?" mataray niyang tanong sa akin, ang boses niya ay puno ng pambabalewala. "Busy ako ngayon, kaya 'wag mo muna akong abalahin. Masaya ang moment na 'areh! Kapag ako'y naumay sa 'yo, mamaya, susungalngalin ko 'yang nguso mo!"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan.Sa kabila ng lahat ng ginawa ko—sa kabila ng pagpapakumbaba ko, ng paggastos ko, at ng apatnapung minutong paghihintay ko sa greenhouse—ganito lang ang matatanggap ko?! Ang galit at pabalang niyang tono ay parang malaking martilyo na ipinupukpok sa aking ulo. Parang may sumasaksak sa aking dibdib nang paulit-ulit.'Ano na naman ba ang kasalanan ko?! Nagbigay na nga ako ng
Read more