Nakatayo ako sa gilid ng mesa, matamang nakatitig kay Jamilla habang nginunguya niya ang masarap na Italian bread na isinawsaw sa mainit na sabaw. Alam kong hindi niya maitatanggi na masarap akong magluto dahil lasang-lasa ang gatas, manok, at mga herbs na inihanda ko sa kaniya. Pero mukhang nairita siya dahil imbes na umupo ako at kumain din, pinapanood ko lang ang bawat galaw niya. Sinusuri ko ang kaniyang mukha, at napansin ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang mga pisngi.Bigla niyang ibinaba ang kaniyang kutsara at marahas akong nilingon. Tinaasan niya ako ng isang kilay habang diretso akong tinitingnan sa mga mata."Hoy, Angelo Graham," sita niya sa akin, pilit na pinatitigas ang kaniyang boses. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? O baka naman... nagagandahan ka sa akin, 'no?"Binaligtad ng malditang ito ang mismong linya na ibinato ko sa kaniya kanina sa sala. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang isang mapang-asar na ngiti, naghihintay kung paano mag
اقرأ المزيد