Alas otso na nang gabi nang makarating ako sa bahay. Mugto at pagal ang aking mga mata mula sa biyahe, ngunit agad na nag-init ang aking ulo nang makita ang isang pamilyar na sasakyan sa driveway. Ang itim na sedan na iyon!'Ibig sabihin... narito na naman ang buwisit na Marco Ledesmang 'yon!'Inis na inis akong bumaba ng sasakyan, ibinagsak ang pinto, at naglakad papasok sa kabahayan. Mula sa malawak na salas, naririnig ko na ang masayang kwentuhan at ang boses ni Mommy, pati na ang pamilyar na boses ng lalaking pilit na sumisiksik sa buhay ng babae ko."Are you really sure you can't go?" tanong ni Marco. Ang tinig niya ay may halong pagtataka at pilit na pambobola. "It’s just a simple dinner, Jam.""Hindi ako maaaring makipag-date, Marco..." nahihiya, naiilang, at halos pabulong na sagot ni Jamilla."Iiwan ko muna kayo rito," narinig kong wika ni Mommy sa isang maunawaing tono. Nakita ko siyang dumaan patungo sa kusina nang hindi man lang ako napapansin."Why not?" muling tanong ni
Read more