POV: AngeloNakatayo ako sa tapat ng altar, nakasara ang dalawang kamay sa aking harapan habang nakasuot ng aking custom charcoal-black tuxedo. Mula sa kinatatayuan ko, ang tahimik at paitaas na mga ilaw ng private chapel ay nagbibigay ng isang napakapayapang kapaligiran. Subalit sa loob ng aking dibdib, ang puso ko ay nagwawala at pabilis nang pabilis ang tibok.At bumaon sa pintuan ang aking paningin nang dahan-dahang bumukas ang malaking double-doors sa dulo ng chapel.Doon, habang dahan-dahang humahakbang sa gitna ng aisle, ay ang babaeng nagpabago sa buong buhay ko.Si Jamilla.Para akong naputulan ng hininga. Ang kaniyang white lace gown ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw, habang ang kaniyang mahabang veil ay sumusunod sa bawat maingat niyang paghakbang. Ang kaniyang mukha—na sanay kong nakikitang nakasimangot, galit, o nanggagaling sa pag-iyak dahil sa akin—ay napakaganda ngayong araw. Ang kaniyang mga mata, bagaman may natitira pang bakas ng kaba, ay may taglay na matapang a
اقرأ المزيد