"I see. That's why I think it's better if you two take more time off," nakangiting sabi ni Mommy Selena habang inaayos ang kaniyang bag. "Sinabihan ko na si Justine at ang shop. Next week na kayo pumasok pareho sa trabaho—maging ikaw sa shop, Jamilla, at si Angelo sa kumpanya. I want both of you to stay here in the pad and enjoy your time as newlyweds first. Huwag niyo munang isipin ang trabaho.""Thank you, Mommy. That's a great idea," pormal na sagot ni Angelo.Tumango lang ako muli kay Mommy Selena, sapagkat kapag ibinuka ko pa ang bibig ko ay natatakot akong ungol ang lumabas doon at hindi salita."Well then, maiwan ko muna kayo rito sa pad para makapagpahinga si Jamilla," paalam ni Mommy Selena habang tumatayo.Inalayan siya ni Angelo patungo sa pintuan at nagpaalam nang maayos. Nang tuluyang masarado ang pinto at makalayo ang kotse ng kaniyang ina, mabilis na nawala ang pagiging pormal sa loob ng silid.Inis at nanginginig akong tumayo mula sa upuan, pilit na inaayos ang aking d
Baca selengkapnya