ARAW NA NG EXPO!At kung may salitang mas matindi pa sa salitang "nagkakagulo," iyon ang eksaktong sitwasyon namin ngayon. Madaling araw pa lamang, halos magkandarapa na ang buong team ng Graham Jewels sa pag-aasikaso dine sa aming inilaang booth. Kung titingnan ang mga mata ng bawat isa sa amin, halatang-halata ang kawalan ng tulog. Paano namang hindi, eh ala-una pa lamang ng madaling araw ay nasa shop na kaming lahat, nagbubuhat ng mga kahon, nag-iimbentaryo ng mga alahas, at nag-aayos ng mga huling kakailanganin para sa pinakamalaking laban ng aming kumpanya.Upang mas maging organisado, hinati ni Tita Selena ang aming pwersa. Naiwan sa main shop sina Leni, Natasha, at Elaine, kasama ang aming mga master crafters na sina Brian at ang guard na si Elias upang masiguro na may maiiwang magbabantay sa aming mga natitirang mamahaling alahas doon. Samantala, ang mga kasama naman namin dine sa exhibition hall ay ang iba pang mga crafters, kasama sina Macy at Almira na siyang katulong ko
Read more