Kiarra De VeraIsang ordinaryong Huwebes ang sumalubong sa akin. Sa De Vera Holdings, abala ang lahat. May supplier visit, HR interviews, at sunod-sunod na meetings. Sa pantry, si Cherry ay nagtitimpla ng kape habang nagbibiruan ang interns. Andrea naman ay nag-aasikaso ng schedule at si Finance ay nag-aaway tungkol sa overtime forms. Sa IT corner, abala sila sa paghanap kung sino ang nag-delete ng printer driver. Wala namang bago—gulo, tawanan, at tipikal na corporate chaos.Biglang sumulpot si Lucas na hindi naman scheduled for any meeting. May dala siyang donuts at agad nanggulo sa pantry.Andrea, medyo nagtataka, “Sir, may meeting po ba kayo?”Lucas, walang kaarte-arte, “Wala.”“Bakit nandito ka, boss?”“May donuts ako.”Miguel, kunot-noo, “Hindi sapat na dahilan ‘yon.”Lucas nagbiro, “Para sa akin, oo.”Nagtawanan kaming lahat. Sa gitna ng trabaho, ang saya pala kapag may mga ganitong simpleng moments.Sa kabilang banda, tapos na ang isang mahaba at matagumpay na meeting ni Larki
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-07 Mehr lesen