Eduardo De Vera"The People Worth Coming Home To"Isang linggo na ang lumipas mula nang mag-renovate kami ng learning center. Sa De Vera Mansion, maaga akong nagising, mas maaga kaysa dati. Hindi ko binasa ang European market reports; mas pinili kong maglakad-lakad sa hardin. Tahimik ang paligid, pero may kakaibang sigla—ang mga bulaklak namulaklak na naman, naririnig ko ang maids na nagtatawanan sa kusina, at ang mga guard, nagbabatian na parang magkakapatid. Naisip ko, “A house really does sound different when everyone inside is happy.”Narinig ni Mang Ben, ang hardinero, habang naggugupit ng rosas, ngumiti siya, “Because laughter echoes farther than silence, Sir.”Napangiti ako, isinulat ko iyon sa maliit kong notebook.Sa dining room, iba na ang pakiramdam. Si Ashton, tahimik na nagbabasa ng emails. Si Kiarra, abala sa pag-aayos ng lunchbox para kay Letty. Ako, nagtitimpla ng kape. Si Letty, seryoso habang nilalagay ang blueberries sa pancake.“Food has feelings,” sabi niya, para
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-05 Mehr lesen