Rafael "Raf" CastilloIsang tahimik na Sabado, at hindi opisina, hindi mansion—basta, gising ang mundo pero walang pressure. Ako ang unang ginising, gaya ng nakasanayan, ni Letty. Malamig pa ang hangin, tahimik ang paligid.“Kuya Raf!” bulong niya, yakap-yakap si Bunny, yung stuffed rabbit na halos kapantay na ng halagang deposito ng ATM card ng mommy niya.“Alarm clock ka ba?” kunwari seryoso ang boses ko, kahit ramdam kong puyat pa ako sa shift kagabi.Letty, proud na proud, “Better.”Wala na akong nagawa kundi matawa. Seryoso, ‘pag ganito ang umaga mo, kahit anong hirap ng trabaho, parang worth it lahat.Farmers’ market ang next scene—walang mall, walang SUV convoy, walang bodyguards na nakatakip ng earpiece. Ordinaryong pamamalengke: Kiarra, Letty, Yaya Alma, Eduardo, at ako. Amoy prutas, amoy bagong hiwa na gulay, amoy mantika mula sa karinderya sa gilid.Habang namimili kami ng kamatis, biglang may familiar na boses sa kabilang stall.“Wow, small world pala talaga,” sabi ni Lark
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-06 Mehr lesen