LARKIN DEL FUEGO'S POVAng certificate ni Letty—“Official Member of Our Saturday Team”—nakalagay pa rin sa gilid ng desk ko, katabi ng mga signed contract at award plaque. Hindi ko inalis, kahit obvious na hindi siya bagay sa corporate office. Habang nagbubukas ako ng files, dumating si Marcus, bitbit ang bagong stack ng documents.Napahinto siya, napatingin sa certificate, tapos sa akin, tapos balik ulit sa certificate. “Boss.”Hindi ko nilingon, busy kunwari. “Hm?”“Talaga bang nilagay mo ‘yan sa desk mo, katabi ng mga kontrata ng Del Fuego?”“Bakit?”“May mga international award ka dito, tapos certificate ng six-year-old ang pinagmamalaki mo?”Ngumiti ako ng konti, “Iba ang value nito.”Pinulot niya, binasa, “Official Member of Our Saturday Team.” Tumingin siya sa akin, “Ilagay ko na ulit?”Tumango ako, “Oo.”Nakita niya ang calendar ko, napansin niyang may naka-block na “De Vera Mansion” next Saturday. “Boss, may plano ka na agad para sa Sabado?”Hindi ako nagdalawang-isip, “Kiarr
Last Updated : 2026-08-10 Read more