VENICE’S POV"Ms. Sandoval, pumasok na po kayo sa sasakyan. Hinihintay na po kayo ni Mr. Morgan sa penthouse."Tinitigan ko ang dalawang matangkad at naka-suit na bodyguards na nakatayo sa labas ng V&J Atelier. Ang kanilang mga mukha ay parang gawa sa semento—walang emosyon, walang awa. Sa buong maghapon na nasa boutique ako, hindi sila umalis sa pinto. Bawat kliyenteng pumasok, bawat tawag sa telepono, at bawat kilos namin ni Jazzy ay nasa ilalim ng kanilang matalas na pagmamasid."Go ahead na, Venice," pabulong na sabi ni Jazzy habang inaayos ang mga sketchpad sa mesa. Nanginginig pa rin ang mga daliri ng kaibigan ko. "Mag-iingat ka roon, ha? Huwag mong kalilimutan, nandito lang ako. Kung kailangan mong gumawa ng paraan, mag-iwan ka lang ng signal sa akin.""Salamat, Jazzy," pabulong kong sagot bago ako dahan-dahang lumakad palabas patungo sa naghihintay na itim na Maybach.Habang binabagtas ng sasakyan ang maikling distansya patungo sa residential tower ni Iuhence sa BGC, nakatitig
Last Updated : 2026-09-19 Read more