Maliwanag ang mga ilaw na sumasayaw sa loob ng El Gran Teatro de la Noche, isa sa mga pinakasikat at eksklusibong klab sa gitna ng Barcelona, Spain. Ang amoy ng mamahaling alak, mamahaling pabango ng mga mayayamang banyaga, at ang mahinang tugtog ng jazz saxophone ay naghahalo sa hangin. Sa likod ng entablado, abala ang lahat sa pag-aayos. Ang mga tagasayaw ay pabalik-balik habang naglalagay ng pampaganda, nag-aayos ng kanilang mga pluma, at nagpapakintab ng kanilang mga sapatos.Ngunit sa gitna ng ingay at gulo sa backstage, may isang babaeng tahimik na nakatayo sa harap ng malaking salamin.Si Venice Sandoval. O mas kilala ng buong Europe bilang si "Lady V".Isang makintab at kulay pulang corset na pinalamutian ng mga kristal ang nakabalot sa kanyang balingkinitang katawan. Ang kanyang mahabang maitim na buhok ay nakalugay at may malalaking kurba sa dulo, at ang kanyang mga labi ay nagniningning sa kulay ng pulang rosas. Sa panlabas na anyo, siya ang larawan ng kagandahan, kagandaha
Última actualización : 2026-09-19 Leer más