Share

Chapter 70

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-09-10 22:16:14

Franco

Ang kagandahan sa shipping company na ito ay nandito rin mismo sa aming isla ang main office nito, ilang kilometro lamang ang layo mula sa aming mansyon at malapit lang din sa kapitolyo. Hindi ko na kailangang bumiyahe nang ilang oras para lamang makapunta sa headquarters, at para sa isang kumpanyang matagal nang bahagi ng buhay ng aming pamilya, masasabi kong malaking advantage iyon.

Sa pagkakaalam ko, nagmula sa isang liblib na lugar sa norte si Tito Gabriel at umalis siya roon upang m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 74

    Third PersonIsang marahas na hampas ng libro sa ibabaw ng makapal na wooden desk ang biglang bumasag sa katahimikan ng malawak na silid. Umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong opisina, kasabay ng bahagyang pagyanig ng ilang gamit na nakapatong sa mesa. Maging ang basong may tubig sa gilid ng desk ay bahagyang gumalaw dahil sa lakas ng pagkakahampas.“Damn this Franco!” galit na galit na sigaw ni Anton, halos lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao. Kita sa kanyang namumulang mukha ang matinding inis, at maging ang kanyang paghinga ay kapansin-pansing bumigat. “Ano bang pumapasok sa utak ng batang 'yon?”Napapikit siya nang mariin at ilang sandali ring hindi nagsalita, na para bang pinipigilan lamang niya ang sarili na muling sumabog. Ngunit kahit anong pigil niya, hindi niya maalis sa isip ang mga plano ni Franco para sa expansion ng kumpanya.Hinding-hindi niya gusto ang mga ambisyosong plano ng lalaki para sa shipping company. Sa tot

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 73

    Georgina“Georgina, about Franco…”Natigil ako sa pagsubo ng pagkain at marahang nag-angat ng tingin kay Reed. Halos kasabay niyon ay ibinaba ko ang kutsara ko sa tabi ng plato.Pagkakita ko pa lamang sa labis na kaseryosohan sa mukha niya, alam ko na agad na napakahalaga at napakalalim ng kanyang sasabihin. Wala na roon ang dating relaxed niyang expression habang kumakain kami.Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, at seryoso ang pagkakatitig niya sa akin na para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung paano niya sisimulan ang pag-uusap.“What about him?”Hindi agad sumagot si Reed.Sa halip, ilang segundo muna niya akong pinagmasdan bago siya bahagyang sumandal sa kanyang silya. Pinaglaruan niya sandali ang hawak niyang kutsara, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy ba niya ang tanong na nasa isip niya.“Do you actually believe na may kinalaman ang pamilya niya sa nangyari sa pamilya ninyo?”Bahagya akong natigilan.Parang may malamig na batong biglang dumagan sa aking dibdib.Hindi ko

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 72

    Georgina“How do you feel?” nag-aalalang tanong ni Reed habang nakasandal ako sa malambot na upholstery ng reclining chair sa loob ng silid.Nasa kanyang private research laboratory kami ngayon para muling kuhanan ako ng sapat na dami ng dugo. Malamig ang temperatura sa loob ng silid dahil sa patuloy na pag-andar ng air-conditioning, ngunit hindi iyon sapat para mawala ang bigat na nararamdaman ko sa katawan.May bahagyang kirot pa sa aking braso kung saan ipinasok ang karayom kanina, at tila may mabigat na bagay na nakapatong sa aking ulo.“I’m fine,” sagot ko sa mahinang tinig habang dahan-dahang ginagalaw ang aking mga daliri sa kamay. Sinubukan kong ngumiti upang hindi na siya lalo pang mag-alala, ngunit kahit ang simpleng pag-angat ng mga labi ko ay tila nangangailangan ng lakas.Sa kabila ng aking sagot, pakiramdam ko ay tila nanlalambot ang aking mga tuhod at medyo umiikot ang aking paningin. May ilang sandaling kailangan kong ipikit ang aking mga mata upang maibalik sa normal

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 71

    FrancoTumikhim muna ang may-edad na lalaki bago bahagyang umayos ng pagkakaupo. Maingat niyang inayos ang laylayan ng kanyang coat at saka marahang ipinatong ang magkabilang kamay sa ibabaw ng conference table. Nanatiling kalmado ang mukha niya, at kung hindi ako sanay magbasa ng kilos ng mga taong nakapaligid sa akin, malamang ay wala rin akong mapapansin na kakaiba sa kanyang kilos.“All these years ay nanatili lamang akong nakikinig at nakamasid sa bawat meeting,” panimula ni Anton sa isang malumanay ngunit madiing boses. “I believe in Gov. Franco’s vision. Simula nang pamilya nila ang mag-manage sa kumpanya, mas lalo pa itong lumaki, umunlad, at tumatag sa merkado.”Bahagya siyang ngumiti habang nagsasalita, na para bang wala naman siyang nakikitang anumang dahilan upang pagdudahan ang plano ko.Napakagalang ng pagkakasabi ni Anton, eksaktong katulad ng nakasanayan ng lahat sa kanya sa tuwing nagkakaroon ng pagtitipon. Walang yabang, walang unnecessary na pagpapakitang-gilas, at

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 70

    FrancoAng kagandahan sa shipping company na ito ay nandito rin mismo sa aming isla ang main office nito, ilang kilometro lamang ang layo mula sa aming mansyon at malapit lang din sa kapitolyo. Hindi ko na kailangang bumiyahe nang ilang oras para lamang makapunta sa headquarters, at para sa isang kumpanyang matagal nang bahagi ng buhay ng aming pamilya, masasabi kong malaking advantage iyon.Sa pagkakaalam ko, nagmula sa isang liblib na lugar sa norte si Tito Gabriel at umalis siya roon upang makipagsapalaran sa maingay at magulong Maynila. Bata pa lamang ako nang paulit-ulit kong marinig ang mga kuwento tungkol sa kanyang buhay—kung paano raw nagsimula siya sa halos wala, kung paano niya pinilit na makahanap ng oportunidad, at kung paano unti-unting nagbago ang kanyang kapalaran dahil sa mga desisyong ginawa niya sa tamang panahon.Ngunit may hindi inaasahang kaganapan na nagbago sa takbo ng kanyang buhay, dahilan upang mapadpad siya rito sa isla.Biglaan din ang naging pagpasok ni T

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 69

    Georgina“Georgina…”Napalingon ako sa pinanggalingan ng isang malambing na tinig. Agad nahagip ng aking paningin si Cataleya na may nakangiting mukha habang dahan-dahan siyang bumababa sa munting hagdanan papunta sa kinaroroonan ko—sa garden.Maingat ang bawat hakbang niya, ngunit kahit ganoon ay hindi nabawasan ang natural na elegance ng kanyang kilos. Sa edad niyang base sa sarili kong kalkulasyon ay nasa mahigit limampu na, mukha pa rin siyang nasa early forties—o kung tutuusin, tila mas bata pa roon.May kakaibang liwanag ang aura ni Cataleya na mahirap ipaliwanag.Para bang kahit saan siya pumunta ay may dala siyang sariling umaga.Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakangiti, at ang malambot na ekspresyon ng kanyang mukha ay nagbigay ng kakaibang warmth sa buong garden. Suot niya ang isang floral dress na bahagyang humahalik sa kanyang mga binti sa bawat paghakbang niya habang nilalaro naman iyon ng malamig na simoy ng hangin.Maging ang amoy niya ay hindi masakit sa ilong.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status