Azalea’s POVIsang taon ang mabilis na lumipas matapos ang pinakamatinding pagsubok na yumugyog sa aming pamilya.Ngayon, ang simoy ng hangin sa aming private beach resort sa Balesin ay napakasariwa, napakabango, at napakapayapa. Ang kulay asul na dagat ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw, at ang pampansyal na kasalan na ibinigay sa amin ni Caleb noon ay muling pinalitan ng isang mas tahimik, mas malalim, at mas pambihirang Vow Renewal Ceremony kasama ang mga pinakamahalagang tao sa aming buhay.Sa tabing-dagat, nakatayo ang isang simpleng arko na pinaliguan ng mga puting rosas at orchids.Nakatayo doon si Caleb Salvador—nakasoberbyong white linen suit, napakagwapo, at ang kaniyang mga dark eyes ay nangingislap habang nakatitig sa akin habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa kaniya sa ibabaw ng puting buhangin.Sa gilid ng altar, nakaupo sina Conrad, Seth, at Shun.Si Conrad ay nakasuit pa rin sa kabila ng init ng dalampasigan, habang maingat na hawak sa kaniyang kandungan
Last Updated : 2026-10-03 Read more