Conrad’s POV"No. Absolutely not. Over my dead body, Mr. Salvador."Nakatayo si Jane sa harap ng lumang refrigerator sa kanilang maliit na kusina habang nakakuyom ang kaniyang dalawang kamay at nakataas ang kaniyang kilay sa likod ng kaniyang may kakapalang salamin. Kakatapos lang niyang maghiwa ng mga rekado para sa hapunan ng pamilya niya, pero heto ako, nakasandal sa pinto ng kanilang kusina habang nakabihis na nang maayos para sa gabi—naka-navy blue fitted linen shirt, maayos na chinos, at dala ang pambihirang alindog na kailanman ay hindi pa nabibigo sa kahit anong social gathering sa Maynila."Come on, Ms. Vandolf. It’s just a simple night out," kaswal kong pambubuyo habang maingat kong isinusuot at inaayos ang aking gintong Rolex sa aking pulso. "Nagsasawa na ako sa paulit-ulit na pritong isda at saging dito sa bahay niyo. I need a decent drink, good food, and some ambient music to clear my head. At dahil wala pa akong nakukuhang hotel room, ikaw ang magiging tour guide at loca
최신 업데이트 : 2026-10-04 더 보기