Ysabelle Cuevas (Ysa)Mabilis na natapos ang pagkain ni Mister. Halos wala kaming imikan sa buong oras na sinusubuan ko siya, at ramdam ko agad na masama talaga ang pakiramdam niya. Hindi siya tulad ng dati—wala ’yung malamig na titig na laging handang manaway, wala rin ’yung pasimpleng pang-aasar o maikling utos. Tahimik lang siyang kumakain, parang bawat subo ay mabigat, at parang sinusundan ng matinding pagod ang bawat lunok niya.Pagkatapos kumain, agad ko siyang pinainom ng gamot na iniabot ni Manang kanina. Maingat kong inabot ang baso, pinanood ko kung paano niya nilunok ang tableta, at sinigurong hindi siya nabulunan. Nang makasiguro ako, marahan ko siyang inalalayan pahiga sa kama, inayos ang ulo niya sa unan, at kinuha ang makapal na kumot. Maingat ko itong ibinalot sa kanyang katawan, hanggang sa tapat ng dibdib, para hindi siya lamigin.Napansin ko na bahagya pa rin siyang nangangatog kahit nakabalot na siya. Agad akong tumayo, lumapit sa aircon, at bahagyang binabaan ang
Last Updated : 2026-10-13 Read more