Ysabelle Cuevas (Ysa) “Kumain muna kayo rito, Lucien,” alok ni Victor.Napatingin ako kay Mister. Bakas ang inis sa kanyang mukha. Siya ba si Lucien? Ang pangalan niya ay… Lucien. Ang ganda naman at ang sarap pakinggan ng pangalan niya.“Nah, we’re fine. Aalis na kami. Mag-drive thru na lang ako mamaya,” malamig niyang sagot na hindi ko gaanong naunawaan.“You don’t have to worry, Lucien. I will not steal your girl, tsk,” dagdag pa ni Victor.“What are you talking about? She’s not my girl, okay?”Tsk, ang dami pa nilang sinasabi. Nagwawala na ang tiyan ko sa gutom!“Okay, should I court her then?” nakatutuksong biro ni Victor.“Damn you, man,” maanghang na sangag ni Lucien.“Okay, I’ll call the butler to bring us food,” pagwawakas ni Victor. “Let’s just wait a little.”Bumuntong-hininga si Lucien saka tumabi sa akin sa may mesa.Gaya noong umaga, napakaraming masasarap at mababangong pagkain ang inihain sa harap namin.“Kumain ka na, Ysa,” seryoso ngunit may bahagyang ngiti sa labi n
最終更新日 : 2026-10-13 続きを読む