Startseite / Mafia / Punished By The Mafia Billionaire / 5 Mansion Rules And Chaos (Sky's POV)

Teilen

5 Mansion Rules And Chaos (Sky's POV)

last update Veröffentlichungsdatum: 06.07.2026 08:12:44

"Iha, bumangon ka na dahil kailangan mo nang maghanda para sa mga utos ni Sir Henry!"

Nagising ako sa boses ni Manang Rosa na may halong pagmamadali. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Iba ang kama sa mansion. Masyadong malambot. Masyadong tahimik. Wala ang ingay ng mga lasing sa nightclub. Wala ang amoy ng usok ng sigarilyo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ticking ng orasan sa dingding.

"Opo, Manang, babangon na," sagot ko habang pilit na iminumulat ang aking mga mata.

Pagbaba ko sa sala, bumungad sa akin si Henry. Nakasuot siya ng mamahaling suit na parang galing pa sa isang photo shoot. Hawak niya ang isang papel na mukhang listahan ng mga batas. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri kung qualified ba ako sa posisyong pinasukan ko.

"Sky, narito ang mga rules mo. Una, bawal kang pumasok sa study room ko nang walang pahintulot. Pangalawa, huwag mong lalapitan ang anak ko kung hindi ko sinasabi. At pangatlo, siguruhin mong malinis ang bawat sulok ng mansyon na ito bago ako umuwi."

Kinuha ko ang listahan. Napahaba naman yata ang mga rules na ito. Akala mo naman ay preso ako rito.

"Copy, Boss," sarkastiko kong sagot.

"Huwag mo akong pilosopohin, Sky. Maid ka rito, hindi bouncer. Act like one."

Tumalikod na siya at naglakad palabas. Nakita ko ang suot niyang suit. Ang kintab. Ang mahal. Habang naglilinis ako sa living area, aksidente kong natabig ang isang baso ng mainit na kape na hawak ni Manang Rosa habang nagmamadali kaming mag-ayos. Tumalsik ang kape sa suit na nakasampay sa upuan na iniwan ni Henry.

"Naku, Sky! Ang mamahaling suit ni Sir!" sigaw ni Manang Rosa.

"Patawad, Manang, hindi ko sinasadya!" kinuha ko agad ang basahan at sinubukang tanggalin ang mantsa.

Pero lalong kumalat ang kape. Parang may kung anong kemikal na sumunog sa tela. May butas na ang suit. Parang natunaw ito. Pinanood ko lang ang pagkawasak ng tela na siguradong kasing mahal na ng buong sahod ko.

"Lagot ka, iha. Importado galing Italy iyan. Baka ikaw ang gawin niyang pambayad sa suit na iyan," sabi ni Manang Rosa na halos maiyak na.

Hindi pa ako nakakabawi sa kaba, napansin ko ang isang vase sa may gilid. Isang antigong vase na kulay asul. Sa sobrang taranta ko, nasiko ko ito at dire-diretsong bumagsak sa sahig. Nagkapira-piraso. Ang ingay ng pagkabasag ay parang bombang sumabog sa loob ng tahimik na mansion.

"Ito na... ang katapusan ko na yata," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga basag na piraso.

Maya-maya, pumasok si Henry sa pinto. Nakita niya ang suit. Nakita niya ang vase. Ang mukha niya ay naging kasing itim ng gabi. Walang emosyon. Walang galit na sigaw. Pero ang katahimikan niya ay mas nakakatakot kaysa sa pagsabog.

"Sky, anong ginawa mo?" tanong niya sa mababang boses.

"Sir... aksidente lang po. Babayaran ko po iyan... kahit bawas-bawasan niyo ang sahod ko araw-araw," sagot ko habang nakayuko.

Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Inangat niya ang baba ko para tumingin ako sa kanya. Ang mga mata niya ay naghahanap ng dahilan para saktan ako, pero nakita ko ang pagtataka.

"Priceless ang vase na iyan, Sky. Hindi sapat ang sahod mo sa loob ng limang taon para palitan iyan."

"Kung gayon, patalsikin mo na ako! Basta pakawalan mo ang tatay ko!"

"Akala mo ba ganoon lang kadali? Kapag umalis ka, mawawala rin ang proteksyon ng tatay mo. Gusto mo ba talagang mapunta siya sa kulungan o sa libingan?"

Natigilan ako. Tama siya. Ang buhay ko ay nakatali na sa kanya. Ang bawat pagkakamali ko ay may katumbas na parusa na hindi ko kayang bayaran. Pero sa kabila ng lahat, nakikita ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya. Bakit siya malungkot?

"Pasensya na, Henry. Hindi ko sinasadyang sirain ang mga gamit mo."

"Hindi lang gamit ang sinira mo, Sky. Sinira mo ang katahimikan ng bahay na ito na matagal ko nang pinangalagaan."

Lumapit siya lalo sa akin hanggang sa halos magdikit na ang aming mga ilong. Nakakaakit ang pabango niya. Nakakabaliw ang lapit niya. Gusto ko siyang itulak, pero gusto ko rin siyang yakapin.

"Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ko.

"Maglinis ka. Linisin mo ang bawat kalat na ginawa mo hanggang sa maging perpekto ulit ang lahat. At huwag na huwag kang aalis sa harapan ko hanggang sa hindi ko sinasabi."

Habang naglilinis ako ng mga basag na piraso, pinapanood niya ako. Ang bawat galaw ko ay sinusubaybayan niya. Ramdam ko ang titig niya sa likod ko. Ang nakaka-pressure na tingin na hindi ko maintindihan. Bakit siya nakatingin sa akin nang ganito?

"Sir, bakit mo ako tinitingnan?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya at kinuha ang basahan na hawak ko. Hinawakan niya ang kamay ko para tulungan akong pulutin ang mga maliliit na piraso ng basag na vase. Ang init ng palad niya ay tumagos sa balat ko.

"Dahil simula ngayong araw, hindi ka lang maid. Ikaw ang magiging paalala sa akin kung bakit hindi dapat ako nagtitiwala sa mga taong kagaya mo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Na sa kabila ng tapang mo, ikaw ang pinaka-clumsy na taong nakilala ko sa buong buhay ko."

Nagkatinginan kami. Ang tensyon sa pagitan namin ay hindi ko maipaliwanag. Hindi ito galit. Hindi ito pagkainis. Parang may kakaiba na unti unting namumuo sa aming dalawa.

"Sky... sigurado ka bang hindi ka lang nagpapanggap na matapang para makuha ang loob ko?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sa totoo lang, kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

"Sir, tapos ko na pong linisin ang mga basag na gamit. Ano pa ang gusto mong gawin ko?"

Ngumiti siya nang matamis. Ang ngiti na nakaka-inlove pero nakakatakot.

"Simple lang, Sky. Sa susunod, siguraduhin mong hindi mo na uulitin ang pagkakamaling ito dahil baka sa susunod, hindi na lang gamit ang masira mo kundi ang puso mo."

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Punished By The Mafia Billionaire   60 Final Epilogue (Sky)

    "Huwag mong sabihing nagdadrama ka na naman habang nakatitig sa portrait natin sa pader, Henry Zobel?" tanong ko habang pumasok sa malawak at tahimik na library ng aming estate, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape habang nakatapis ng malambot na silk robe."I am not dramatic, Sky... I am simply reflecting on how a single punch in a dimly lit VIP lounge saved my entire existence," pabulong na sagot ni Henry habang mabilis na pumupwesto sa likod ko.Inabot niya ang aking baywang gamit ang dalawa niyang malalakas na bisig, isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko habang inilalapat ang kanyang mga labi sa aking balat. Napaipit ako ng hininga sa matinding kilig na patuloy na gumuguhit sa buong katawan ko sa tuwing hinahawakan niya ako nang ganito kahigpit."Isang taon na ang nakakalipas simula nang ipanganak ko si Luna, pero parang kahapon lang nung pumasok ako rito sa bahay mo bilang isang galit na maid na gustong sumipa ng bilyonaryo," biro ko habang ipinapatong ang ulo ko sa kany

  • Punished By The Mafia Billionaire   59 Family Portrait (Sky)

    "Candy, maawa ka naman sa pamilya ko at ibaba mo muna 'yang ring light mo dahil halos mabulag na si Baby Luna sa sobrang liwanag!" sigaw ko habang pilit kong iniaayos ang maliit na headband sa ulo ng aming anak sa gitna ng napakalaking living room ng Zobel Estate."Gurl, once in a lifetime moment 'tong grand family portrait natin status! Kailangan aesthetically perfect ang lighting para flex-able sa buong mundo!" ganti ni Candy habang inaayos ang anggulo ng tripod at pinandiditan ng mata ang hired royal photographer."Candy is right, Sky... we need this picture to be flawless," singit ni Henry habang mabilis na lumalapit sa kinaroroonan ko, suot ang kanyang tailored charcoal suit na walang kahit isang lukot."Flawless ka d'yan! E, limang beses mo na kayang pinalitan 'yang necktie mo dahil sinasabi mong hindi pantay ang tupi!" pambabara ko habang pinagmamasdan siya."Because everything about my family deserves perfection, Mrs. Zobel," seryoso at napakalambing na pabulong na sabi ni Hen

  • Punished By The Mafia Billionaire   58 Anniversary Tradition (Sky)

    "Huwag mong sabihing balak mo talagang pumasok sa VIP entrance ng nightclub na 'to habang nakasuot ka ng ganyang kasosyalyang suit, Henry Zobel?" tanong ko habang nakatayo kami sa tapat ng kilalang bar sa gitna ng Bonifacio Global City, nakatitig sa makukulay na neon lights na nagre-reflect sa basang kalsada."This is our anniversary tradition, Sky... at kahit anong isuot ko, ako pa rin ang lalaking hinding-hindi makakalimot sa gabing pumasok ako sa pintuang iyan at natanggap ang pinakamasakit na suntok sa buong buhay ko," sagot ni Henry habang hinahawakan ang baywang ko mula sa likod at inilalapit ang kanyang katawan sa akin."Aba! Ipinagmamalaki mo pa talaga 'yang pasa sa mukha mo noon ah!" pambabara ko habang pilit na iniiwas ang mukha ko sa mainit niyang hininga na dumidikit sa balikat ko."That punch was the best thing that ever happened to me, Mrs. Zobel... it brought me back to life," pabulong niyang ganti sabay halik sa gilid ng leeg ko, dahilan para mabilis na tumibok ang pus

  • Punished By The Mafia Billionaire   57 The Labor Day (Sky)

    "Henry Zobel! Pumutok na ang panubigab ko, kaya pakiusap lang, bilisan mo 'yang pagmaneho mo sa manibela at tulungan mo akong huminga bago kita masakip sa leeg!" sigaw ko habang nakahawak nang napakahigpit sa passenger seat handle ng kanyang kulay itim na sports car, halos mapapikit ako sa matinding kirot na gumuguhit sa ibabang bahagi ng aking tiyan."Sky! Stay calm! I am driving as fast as I can! Mateo, clear the entire highway right now!" sigaw ni Henry habang hawak ang steering wheel gamit ang nanginginig niyang kanang kamay habang ang kabilang kamay niya ay nakadiin sa kanyang phone na nakaspeaker."Sir Henry, pinalabas ko na ang tatlong convoy para harangan ang trapiko patungong St. Luke's! Naka-standby na ang buong medical team sa emergency bay!" mabilis at nanginginig ding sagot ni Mateo mula sa kabilang linya.Ang makina ng luxury car ay yumugyog sa matinding bilis habang winawasak ni Henry ang bawat red light sa kahabaan ng BGC. Ang gabi ay napakadilim, ngunit ang mga ilaw m

  • Punished By The Mafia Billionaire   56 Cravings & Chaos (Sky)

    "Henry Zobel, gising! Kapag hindi ka bumangon sa higaan na 'yan sa loob ng tatlong segundo, isusumpa ko talaga na hindi ka na makakalapit sa akin kahit kailan!" sigaw ko habang nakatayo sa tabi ng napakalaking kama, nakapamaywang habang hawak ang aking tiyan sa gitna ng matinding dilim ng madaling-araw."Sky... anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Nararamdaman mo na ba ang baby?" nanginginig at nagpapanic na tanong ni Henry habang mabilis na napaupo sa kama, nanlalaki ang mga mata sa matinding takot habang gulong-gulo ang kanyang buhok."Walang masakit sa akin! Ang kailangan ko ngayon din ay chocolate-coated pistachio mochi at fried ampalaya na may maraming bawang!" giit ko habang nakatitig nang matalim sa kanya."What? Sky, alas-tres pa lang ng madaling-araw... saan ako makakahanap ng ampalaya at pistachio mochi sa ganitong oras?" pabulong at naguguluhang tanong ni Henry habang napapahawak sa kanyang noo."Gagawa ka ng paraan! Bilyonaryo ka, 'di ba? O baka naman gusto mong ang anak

  • Punished By The Mafia Billionaire   55 Surprising News (Sky)

    "Candy, pakiusap lang, sabihin mo sa akin na mali ang nakikita kong dalawang kulay rosas na linya sa maliit na stick na ito dahil baka makapanuntok ako ng pader ngayon din!" sigaw ko habang nakatayo sa loob ng banyo ng master bedroom, nanginginig ang buong kamay habang nakatitig sa dalawang pregnancy test kits na nakapatong sa lababo."O'em-gee, Sky Cruz! Dalawang linya talaga as in positive status! Magiging mommy ka na uli! Kakaloka ka, gurl, totoong may panibagong baby Zobel na ngang darating sa mundo!" tili ni Candy mula sa pintuan ng banyo habang patalon-talon sa labis na katuwaan."Huwag ka ngang magtili diyan, Candy! Nahihilo na nga ako sa amoy ng pabango mo, dadagdagan mo pa ang ingay!" saway ko habang napapahawak sa aking tiyan na tila biglang nag-alburoto ang sikmura.Ang buong kapaligiran ay parang umikot nang napakabilis sa mga sandaling iyon. Pagkatapos ng ilang linggong pakiramdam na palaging pagod, mabilis na pag-init ng ulo, at kakaibang pagkahilo tuwing umaga na itinut

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status