LOGINChapter 4:
Panay ang silip ni Jonathon sa kaniyang wristwatch habang nasa kalagitnaan ng meeting kasama ang mga board members para sa kanilang new investor. Halos wala roon ang kaniyang isipan, dahil alam niyang habang nasa meeting siya ay iilang pader at palapag lamang ang distansya nila ni Simone na iniwan niya sa kaniyang opisina. He's trying to focus but for unknown reason, he kept on thinking of her.
Kanina lang ay dumating si Simone para lang ibalik ang tulong na ibinibigay niya para sa kaniyang yumaong asawa, na sa palagay niya ay nararapat lamang nitong matanggap mula sa kaniya. Ibinili niya ng lupa sa isang memorial si Colleen, mula kasi sa kaniyang source ay wala pang sariling property si Colleen, malalaman niya kung sakaling meron dahil sa kanilang joint properties. Inalam niya rin kung saan ililibing si Colleen at napag-alaman niya na sa isang memorial ito inihahanda, ngunit hindi pa pag-aari nina Colleen ang lupa, sa makatuwid ay babayaran ito ng hulugan.
Lahat iyon ay nalaman niya lang kaninang umaga nang pinalakad niya iyon kay Lorenzo. Pinabili niya na rin ng lupa si Lorenzo at pinabigyan ng kaniyang check si Simone. Kaunting tulong lang iyon para sa kaniya, ngunit ayaw pa rin tanggapin ni Simone.
To be honest, after what happened last night, he is not expecting her to accept his gift easily. Pero hindi niya inaasahan na ngayon mismong araw na 'to si Simone magpapakitang muli sa kaniya. Which is bad for him.
Sa hindi niya kasi maintindihan na rason ay mula nang umalis siya kagabi sa burol ni Colleen ay hindi nawala sa isip niya si Simone, pati na rin ang batang tinawag nito ng Lohan. Sa hindi niya rin maipaliwanag na dahilan ay gusto niyang bumalik ulit doon kahit na ipinagtabuyan na siya ng mga tao roon sa burol, lalo nang ni Simone. Iniisip niya na baka dahil sa konsensya, o dahil sa asawa niya pa rin si Colleen, hindi niya alam. Kaya naman naisipan niyang magbigay na lang ng tulong kahit na tinanggihan na siya kagabi pa lang ni Simone. Ngunit si Lorenzo na ang pinapunta niya, dahil alam niyang ang kagustuhan na muling makita si Simone ay mali, hindi puwede.
Unfortunately, nasa opisina niya ngayon si Simone, ang babaeng iniiwasan niya.
"What do you think, Mr. Clark?"
Mula sa big screen na nasa tapat ng mahabang mesa na okupado ng mga board members ay nilipat ni Joe ang kaniyang tingin sa kanilang bagong investor na nakatayo sa gilid ng screen. He's in the center of the long table, kaya naman nasa harap niya lang ang big screen. She's presenting a project about where to invest their money. Tumikhim si Jonathan at pilit na ibinalik ang kaniyang buong atensyon sa buong meeting. Iyan na nga ba ang sinasabi niya, kung ipagpapatuloy niya ang pag-iisip kay Simone ay hindi na niya magagawa ng maayos ang kaniyang trabaho.
Natapos ang meeting at nauna nang lumabas si Jonathan ng conference room. Kasunod niya ang kaniyang secretary at ang isa niyang pinsan na isa rin sa board members na si Matteo.
"You look distracted, dahil ba sa babaeng nasa opisina mo ngayon?" anito.
Hindi kumibo si Joe at nagpatuloy lang sa paglalakad habang inaayos ang butones ng kaniyang gray blazer at naglalakad sa hallway patungo sa lift. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na naroon si Simone sa kaniyang opisina, tila nga may pakpak ang balita.
"Joe, alam ba ni Regina 'yan? Alam mo naman kung gaano kaselosa ang girlfriend mo."
He sighed deeply and finally turned to his cousin, who looked shorter than him. "Matt, there's nothing to tell her because Simone is just sitting there; I'm not doing anything with her."
Natawa si Matteo. "Hadn't you notice her perfect shape? Her beauty and perfect posture? Come on! Talaga bang nakaupo lang siya roon? Hindi mo siya gustong..." Nagtaas ito ng kilay, at kahit na hindi tinapos ang sinasabi ay nakuha niya na kaagad ang ibig nitong sabihin.
He's right. Simone came in with a simple white tight jeans and a cream white blouse, but with her simple looks, she's stunning. Kagaya ng unang beses na pagkakita ni Joe sa kaniya ay napansin niya na kaagad ang taglay nitong ganda. Kung tutuusin ay simple lang ang mukha ni Simone, with her almond eyes, narrowed nose and pinkish lips. Her charisma doesn't have to wear expensive things just to glow.
"Pero kung hindi mo siya gusto, why not introduce her to me?"
Inirapan niya ang kaniyang pinsan at pumasok na sa lift nang bumukas ito. Sumama pa rin sa kaniya si Matteo, habang tahimik lang na nakasunod ang kaniyang sekretarya. Ito na rin ang nagpindot ng kanilang palapag.
"She's the sister of Samuel Alvaro, and she's just here for the documents she needs for the burial of Colleen."
Para namang nasamid sa sariling laway si Matteo sa narinig. Hindi makapaniwalang humarap ito sa kaniya. Si Joe ay nanatili lang na nakaharap sa lift at nakatingala sa numero habang hinihintay ang pagdating nila sa tamang palapag. Ayaw niyang makita ang gulat sa mukha ng pinsan niya.
"Seriously? Then why did you let her in? Wait, Samuel Alvaro was the third party, right?"
Saktong bumukas ang lift kaya humakbang kaagad siya palabas ng elevator. Ayaw niya nang sagutin pa si Matteo at magkuwento. Sigurado rin naman siyang kokontrahin siya nito sa oras na banggitin niyang siya ang naunang magbigay ng tulong kay Simone na siya ring dahilan kung bakit nandito ito ngayon.
"Yes, he's the one!" narinig niyang sagot ni Matteo sa sarili. Nang lingunin niya ito ay napapailing lang ito habang pikon na nakatingin sa kaniya dahil sa pagsusungit niya. Hindi na rin ito lumabas ng elevator at hinintay na lang na sumara ang lift. Napailing lang si Joe at nagpatuloy patungo sa kaniyang opisina. Maigi na rin na tinantanan siya ng pinsan niyang makulit.
Nagbilin muna siya ng ilan sa secretary niya tungkol sa mga schedules niya bago ito iwan sa labas ng opisina. Nang buksan niya ang pinto ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Simone. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng malaking bintana at nakatanaw sa labas. Doon lang niya napansin na umuulan pala sa labas. Tila hindi napansin ni Simone ang kaniyang pagpasok, kaya naman nanatili lang itong nakatalikod sa kaniyang gawi. Naalala ni Joe ang sinabi ng kaniyang pinsan, hindi tuloy niya mapigilan na tingnan ang kabuuan ni Simone. Simone does have a sexy back, that's why she doesn't have to wear daring clothes just to be looks sexy. The tight jeans is enough to show her shape. Ang maganda sa katawan ni Simone ay hindi gaanong kalaki ang kaniyang likuran at dibdib kaya naman kahit anong suotin nito ay hindi ito bastusing tingnan.
Tumikhim si Joe nang pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan. Ginalaw rin niya ang kaniyang necktie nang tila nainitan siya sa air-conditioned niyang opisina. Ang pinakamakasalaman talaga ay ang isip kaysa sa kamay at mata. Shit!
Dahil sa nagawa niyang ingay ay napalingon na si Simone. Napakurap ito nang maka-recover sa gulat. Dumiretso siya ng tayo habang nakatingin kay Simone na ngayon ay yakap ang sarili habang humahakbang palapit sa kaniya. He want to stop her, he doesn't want to feel her closer to him.
"Mr. Clark," bati ni Simone. "Umuulan na, lubog na rin ang araw. Hindi pa ba tumatawag ang inutusan mo?" Halos mapungay ang mga mata ni Simone habang nakatingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata. He noticed that her eyes is speaking louder than her whole face expression. She has a very beautiful eyes.
Iniwasan na ni Joe ng tingin si Simone bago pa niya tuluyang makabisado ang mukha nito. Baka kapag nagtagal ay hindi na talaga niya ito makalimutan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng blazer niya. Nagtaas ang kilay niya nang makita ang missed call ng kaniyang maryordoma. Naka-silent ang cellphone niya during meeting kaya hindi niya iyon nasagot. Tinawagan niya ito pabalik, at tatlong ring pa lang ay sumagot na ito, ngunit hindi ang maryordoma ang sumagot ng tawag. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Simone, nag-iwas naman kaagad ito ng tingin na tila nahuli niya itong pinapanood siya.
"Sir!"
"Nasaan na 'yong files na pinahahanap ko?"
"Wala po sa table desk ninyo, tiningnan ko na po."
"Sinabi ko bang nandoon? Tiningnan mo ba sa drawer? Sa shelves?"
"Sir, doon lang po ako nakapaghanap." Dinig niya ang kaba sa boses ng kaniyang maid.
"Bakit?"
"Because I told her to stop looking."
Mariing napapikit si Jonathan nang marinig ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Why are you there, Mom?" aniya at napahilot ng sentido.
Matagal nang nakabukod ng tirahan si Jonathan sa kaniyang ina, pero madalas ay bigla na lamang dumarating ang kaniyang ina para itama o bantayan ang trabaho ng kaniyang mga kasambahay. Sinabihan niya na itong hindi na kailangan, ngunit lagi lang nitong sinasabi na hangga't wala syang bagong asawa na aasikaso ng kaniyang households ay hindi ito titigil sa pag-aasikaso ng kaniyang bahay. Napagod na lang din siyang makipagtalo kaya pinapabayaan niya na lang.
"As usual, son. Then I heard that you are looking for Colleen's file. Why? Are you planning to reach out to her new family and give it to them?" May panghuhusga sa tono ng kaniyang ina.
"They're gonna need those for her burial."
"For hell I care! Let them be, nagawan nga nila ng anim na taon ng paraan na mabuhay nang wala ang mga iyon, gawan din nila ng paraan ngayon."
Bago pa makasagot si Jonathan ay pinatay na ni Jolina ang tawag. Nagdiin ang kaniyang bagang. Kung hindi niya lang iyon ina at mahal ay matagal niya na itong tinakwil dahil sa mga pangingialam nito sa mga desisyon niya.
Nagtatakang sinilip ni Simone ang kaniyang mukha. Hindi man nito narinig ang sinasabi sa kabilang linya ay basa niya naman ang frustration sa mukha ni Jonathan.
"Mr. Clark?"
Muli niyang binalikan ng atensyon si Simone at bumuntonghininga. Saglit niyang inisip kung paano sasabihin kay Simone ang tungkol sa hinahanap nitong papers, pero bandang huli ay nakaisip siya ng ibang ide a.
"Sumama ka sa akin."
Tumaas ang kilay ni Simone. "Saan?"
"At home. Hahanapin natin ang mga papeles na kailangan mo."
Halos manigas si Jonathan sa kaniyang kinatatayuan, at hindi niya magawang harapin si Regina. Because at the end of the day despite Regina's annoying attitude, despite him being disappointed to her, she knew that she's right and she have every rights to be mad."Please deny it," she begged.He looks up, as if the strength he needs are there and he needs to take it. Saka niya hinarap si Regina na halos kaniyang pagsisihan. Her tears are falling from her eyes, he can feel her pain. Bato man siya sa sarili niyang nararamdaman, ngunit hindi siya manhid sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya. Guilt are all over his body. He sympathize her, and he knew it's his fault. Hindi man niya mahal si Regina kagaya ng pagmamahal nito sa kaniya, malaki pa rin ang pagpapasalamat niyang mahal siya nito. Ayaw niya pa rin itong masaktan."Walang namamagitan sa amin ni Simone, Regina," he said bitterly. "But you deserve the truth. I have feelings for her, but she denies me, and she tells me she's l
Chapter 23:"Gaga! Nakakaloka ka!" nanggigil na komento ni Carol kay Simone matapos niyang ikuwento rito ang nangyari sa kanya ngayong araw. Kung paano niya pinigilan si Jonathan sa pagtatapat sana nito ng nararamdaman at sa pagpapaalam niya rito. Walang dinatnan si Simone sa bahay pagkauwi niya. Hindi niya rin alam kung saan nagpunta ang kuya niya at ang asawa nito. Mabuti na lang at may dala siyang duplicate ng susi kaya nakapasok pa rin siya. Sa labas ng bahay ay naroroon si Carol at siyang sumalubong sa kaniya. Tila hinihintay talaga siya nito upang makibalita sa kung bakit siya sinundo ng tauhan ni Jonathan. Tanging paghinga lang ng malalim ang naisagot ni Simone sa kaibigan, habang nakatanaw sa malayo. Sa Kanilang anggulo ay kita niya ang mabagal na paglubog ng araw sa likod ng mga malalayong kabahayan, ang kulay kahel na kalangitan na unti-unti nang nagpapalit ng kulay. Tila ibang-iba ang awra ng kapaligiran ngayon ni Simone. Dati ay laging nakabukas ang TV habang maingay
Pagkaalis ni Jonathan ay hinarap niya kaagad si Lohan. "Tita Sisi, 'di ba po may papa na po kami? Bakit sabi po ni Mr. Clark daddy daw po namin siya?" Humikbi si Lohan sa tanong na iyon. Pinagsalitan niya ng tingin ang kambal. Si Lindsay ay bahagya lang tumungo. Hinaplos niya ang ulo ni Lohan saka pinaupo sa tabi ni Lindsay upang madali niyang makausap ang kambal nang sabay. Bahagya siyang ngumiti upang pagaanin kahit papaano ang kanilang pag-uusap. "Hindi porque daddy ninyo si Mr. Clark ay ibig sabihin hindi ninyo na papa ang Papa Samuel ninyo. Kaya hindi dapat kayo umiiyak, dahil maswerte pa kayo dahil dalawa ang ama ninyo. Dalawa ang magmamahal sa inyo, ayaw ninyo ba iyon?" "Pero hindi ko po maintindihan..." Parang pinipiga ang puso ni Simone nang makita niya ang pagpatak ng luha nito, maski si Lindsay na tinanggap naman na si Jonathan ay nakikitaan pa rin ng sakit at lungkot sa mga mata. Pinupunasan na kaagad nito ang mapupulang mga mata bago pa tumulo nang tuluyan ang kaniya
Chapter 22:Ang mataray at nakataas na kilay ni Regina ang sumalubong kay Simone pagkarating nila ni Lorenzo sa mansion.Hindi naman siya nag-e-expect ng masayang pagsalubong sa kaniya, alam naman niyang mainit ang dugo ng mga ito sa kaniya, pero bilang polite ay sana naman hindi manlang nito masyadong ipahalata iyon, tutal naman ay sila ang may kailangan sa kaniya ngayon, kaya nga siya ipinasundo, hindi ba?Ganoon pa man ay binalewala na lang iyon ni Simone. Wala siyang panahon makipagtalo. "Nasaan ang mga bata?" Umirap si Regina. "Nasa kuwarto, nag-iinarte. Hindi mo naman kami sinabihan na brat mo palang pinalaki 'yong mga bata." Nanliit ang mga mata ni Simone dahil sa tono ng pananalita ni Regina. May halong paninisi at panunuya, panghuhusga. "Hindi namin gano'n pinalaki ang mga bata. Kahit sinong bata naman ay maguguluhan sa mga nangyayari ngayon, kaya nga nakiusap ako sa inyong ako muna ang kakausap sa mga bata, 'di ba?" Kanina sa byahe ay sinabi na sa kaniya ni Lorenzo kung
Chapter 21:Unang umaga na wala sa bahay sina Lindsay at Lohan, pakiramdam ni Simone ay masyadong tahimik ang bahay. May kasama naman siya pero pakiramdam niya ay mag-isa siya.Mula nang isilang ang kambal ay kasama niya na ang dalawa, kaya naman hindi niya ma-imagine ang mga susunod pang araw na wala ang mga ito.Gusto niya sanang kumustahin ang dalawa, ngunit wala namang gadgets ang dalawang bata, hindi rin naman siya kumuha ng contact ni Jonathan kaya hindi niya rin alam kung saan maaring tumawag.Ngunit sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung papayag din si Jonathan na makausap nila ang mga bata, knowing na galit ito sa kaniyaMula sa iniinom na kape ay napatingin siya kay Samuel nang pumasok ito sa dining area para kumuha ng tubig sa refrigerator.Pinanood niya muna ang kuya niya at pinakiramdaman.Kagabi kasi nang huli silang nagkausap bago ito nagkulong sa kuwarto nila ni Melanie ay sobra pa rin nitong lungkot. Pakiramdam daw nito ay nabigo nito si Colleen dahil nakuha ni Jona
Chapter 20:Sa gabing iyon ay buong magdamag ngang sinamahan ni Jonathan ang kambal, doon na siya natulog. Sinundo pa siya ni Regina dahil gusto sana nito siyang makatabi, pero tulog na siya kaya wala na itong nagawa.Kinabukasan lang sila iniwanan ni Jonathan nang magising siya ng umaga. Tulog pa ang dalawa at sinamantala niya na iyon upang maayos muna lahat ng mga dapat niyang ayusin sa kaniyang opisina sa bahay.Sakto rin namang maaga ang kaniyang secretary at na-dropped na ang mga papers na pinakukuha niya.Binilin niya na rin kay Yaya Jennie na tawagin siya kapag gising na ang kambal at pakakainin na ng breakfast, nang sa ganoon ay makasabay siya sa mga ito.He's trying his best to focus on what he's reading, but he is still distracted by remembering what happened last night.Halos isang oras umiiyak si Lindsay, tumahan lang ito nang kinausap niya nang maayos."Si Mama lang po ang kayang tumanggap sa akin kahit mahirap po akong algaan at buhatin, kahit abnormal po ako, kaya po na







