Share

Chapter 2: Land Title

Author: Serene Writes
last update publish date: 2026-07-06 20:44:21

Chapter 2:

Pagkatulog ni Lohan ay muling lumabas si Simone upang sumama sa mga naglalamay sa gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Simone na nakilala niya na ang iresponsableng asawa ni Colleen na nawala ng mahigit anim na taon. Dama niya pa rin ang tahip sa kaniyang puso. Hindi rin niya alam kung bakit ganito na lamang ang pagtibok ng puso niya nang makita si Jonathan Clark, marahil ay instinct niya ang kumilala kung sino si Jonathan at bigla na lang dumating sa gabing ito.

Sinalubong siya nina Carol at ng iba pang mga kapitbahay nila na nakikilamay rin. Ang iba ay nakainom ngunit hindi pa naman lasing at nasa tamang wisyo pa.

"Naku Simone, pasensya na't pinapasok namin ang lalaking iyon, ha. May ideya man kami kung sino siya, naisip din namin na magkakagulo pa kung itataboy namin siya," ani Carol na siyang nagpaalam sa kaniya kanina ng pagdating ng isang estranghero na may kotse. "Pero kahit naman pinapasok namin siya ay handa naman kaming paalisin siya kung kinakailngan," rugtong pa nito sabay baling sa mga kasama na siyang nagsitanguhan. 

Umiling si Simone. "Hindi ninyo kailangan magpaliwanag. Sa palagay ko ay normal lang po na dumating siya sa burol ng dating asawa," aniya at bumuntonghininga sabay baling sa kinaroroonan ng labi ni Colleen. 

"Kung ganoon ay bakit mo siya pinaalis?" diretsong tanong ni Nanay Lucille na nagpabalik ng tingin ni Simone sa mga kasama. 

"Natakot po kasi akong kaya siya nandito ay para kunin ang mga bata." 

It was six years ago when her brother, Samuel, bring home Colleen. She knew that she was married, kaya naman hindi rin naging madali para sa kaniya na tanggapin si Colleen, pero sinabi nito kung bakit mas pinili nito na sumama sa kuya niya, kaya naman naintindihan niya ito bandang huli. Colleen said that she was abused by her husband's family, so when she learned that she's pregnant, she decided to save herself and her child. Ang sabi pa ni Colleen noon ay may ideya na ang dating asawa na buntis siya, but he doesn't care because he love his family more than her. Kaya naman ang tumatak sa isipan ni Simone ay kung gaano kawalang kuwenta ang asawa nito, at hindi nakapagtataka na iwanan ito ni Colleen. 

Simone's grandparents doesn't like her mother as well ever since. Sa hindi malamang dahilan ay nakadikit na yata sa pangalan ng mga parent-in-laws na hindi kasundo ang mga manugang nila, at sa ilang may ganoong situwasyon ay isa ang pamilya ni Simone roon. Fortunately, hindi kailan man pinabayaan ng ama niya na tratuhin sila ng iba ng kanilang lola. Kaya naaawa rin si Simone kay Colleen, dahil hindi kasing responsable ng kaniyang ama ang naging asawa nito. Ang Kuya Samuel niya ay natuto sa kanilang ama, kaya naman nakasiguro siya at kampante na mahahanap ni Colleen sa kapatid niya ang hindi nito naranasan sa asawa. 

Naging magkaibigan sila ni Colleen, para na kasi niya itong naging kapatid na babae, ate na hindi siya nagkaroon noon, pero dahil sa naging magkaibigan sila ay hindi niya na ito natawag ng ate, but she became her big sister. Unfortunately, kahit naging maganda ang samahan nilang dalawa ay hindi pa rin naman nauwi sa magandang hantungan ang relasyon ni Colleen at Samuel. Upang mabigyan ng magandang kinabukasan si Colleen at ang magiging anak nito ay nagtrabaho si Samuel sa abroad. Their three years relationship was good, but eventually it changed when Samuel is in Saipan. Bandang huli ay naghiwalay pa rin sila pero in good terms. Si Samuel pa rin ang kinilalang ama ng mga anak ni Colleen na sina Lindsay at Lohan, kambal na ipinangalan pa ni Colleen sa paborito nitong artista.

Ganoon pa man ay hindi na nabago o nawala ang magandang samahan bilang magkaibigan nina Colleen at Simone. She became the best Tita and Godparents to the twins. 

Colleen's children are twin, girl and boy. Si Lohan ay malusog at malakas, lahat ng nakakakita rito ay hindi mapigil ang pagpuri sa bata dahil sa guwapo nitong features. Halos wala nga lang makitang features ni Colleen ang nakikita sa bata. Only Colleen knows why, and that's because Lohan is really looks alike his father, Jonathan. Kaya hindi na nakapagtataka kung bata pa lang ay guwapo na ito. His perfect nose, pitch black eyes, red lips, no wonder who's the father. He looks like mini Jonathan, especially when he smiles. 

Si Linsay naman ay nagmana kay Colleen. Her curly light black hair, big round eyes, with long curly eye lashes and narrowed nose. Every perfect features of Colleen's face, she got all of them. Lindsay is very beautiful like an angel baby, she looks perfect, but until they realized her condition. May kapansanan si Lindsay, hindi ito nakakalakad. Isang taon na ang kambal nang mapansin nilang may iba. Si Lohan kasi ay natututo nang bumangon, gumapang, hanggang sa nakakatayo na ito kahit papaano. Pero si Lindsay ay hindi. Mas mahina ito kaysa sa kapatid. Ang akala nila ay may delay lang, pero natuto nang naglakad si Lohan pero siya ay ganoon pa rin. 

Dinala na nila sa specialist ang bata, ngunit walang nakitang mali ang mga doctor. Marahil prematured si Lindsay nang lumabas, o mayroon sa kamag-anak na maaring namana ni Lindsay. Iyan lang ang tanging nasabi ng mga doktor. 

Dahil sa kondisyon ni Lindsay kaya kahit na hiwalay na si Samuel at Colleen ay hindi pa rin iniwan ni Simone ang kaibigan sa pag-aalaga sa mga bata. She knew that in Lindsay's condition, the only thing they can give her is their pure love and unconditional care. Kahit sa huling hininga ni Colleen ay wala itong bukambibig kundi ang pakikiusap na alagaan at mahalin ang mga anak niya, lalo na si Lindsay. That's Colleen's death bed's wish to Simone, and she's willingly gave Colleen her word. 

"Pero Simone, hindi ba't mas maganda kung sa kaniya nga mapunta ang mga bata? Lalo na't mukhang mayaman ang asawa ni Colleen, baka makahanap siya ng mga mas mahuhusay na doktor para sa bata," suhestyon ni Nanay Lucille. 

Pagod na naupo si Simone sa pinakamalapit sa kaniyang silya. Saglit niyang pinag-isipan ang sinabi ng ginang, ngunit bandang huli ay umiling din siya. 

"Mayaman at matapobre. Nakalimutan ninyo na po ba kung paano tinapak-tapakan ng pamilya ng dati niyang asawa si Colleen? Kung ganoon silang klaseng tao, sa tingin ninyo po ba ay tatratuhin nila nang maayos ang may kapansanang bata?" 

Nanlumo siya sa sarili niyang ideya. Ayaw man ni Simone na mag-isip ng masama tungkol sa mga taong hindi naman niya nubos na kilala, ngunit hindi niya mapigilan lalo na't ang tanging pinanghahawakan niya lamang ay ang mga kuwento ni Colleen at ng kuya niya noon at ang pangako niyang poprotektahan niya ang dalawang bata at aalagaan. At masakit mang tanggapin ngunit aware siya na may ganoon talagang klaseng mga tao, na kayang maging salbahe kahit sa mismo nitong mga kadugo. 

Naupo sa gilid niya si Carol, ang anak ni Nanay Lucille. "Kunsabagay, may punto ka diyan. Sana lang ay huwag nang bumalik ang lalaking iyon dito, nang sa ganoon ay maging payapa ang mga susunod na araw hanggang sa libing ni Ate Colleen." 

Buntonghininga lang ang isinagot ni Simone sa kaniya. Inalala niyang mabuti ang mga nangyari kanina. Mabuti na lang ay nalaman niya kaagad kung sino si Jonathan kanina, bago pa niya isaulo ang hitsura ng tila Adonis na  bigla na lang lumitaw sa kanilang lugar. Walang makakasisi kay Simone, hindi man niya napagmasdan si Jonathan ay unang tingin pa lang naman ay pansin na ang pagiging makisig at guwapo nitong anyo. Ngunit malungkot pa at nagluluksa si Simone sa pagkawala ni Colleen, marahil rason kaya walang pakialam si Simone ngayon sa ibang bagay o tao, puwera sa dalawang naulilang anak ng kaibigan. 

Mariing napapikit si Simone nang maalala ang sinabi ni Jonathan kanina. Gusto nitong akuin ang lahat ng gastos sa pagpapalibing kay Colleen. Buo na ang desisyon niyang hindi niya iyon tatanggapin, pero kung magpupumilit ito ay sana ang tauhan na lang nito ang bumalik, 'wag na si Jonathan Clark. 

***

Lumipas ang gabing iyon, kagaya ng ipinangako ay nagpahinga nga si Simone nang nag-umaga na at konti na lang ang tao sa burol. Si Nanay Lucille na siyang pinatulog nila kagabi ang bantay sa umagang iyon. Wala na rin doon ang mga nakilamay kagabi na kanilang mga kapitbahay at kaibigan. Bandang tanghali na nang nagising si Simone at nagpasyang asikasuhin na ang mga papeles ng yumaong kaibigan, nang sa ganoon ay maipalibing na nila ito. Wala silang kilalang kamag-anak ni Colleen kaya wala na rin silang hinihintay na dumating. Si Samuel ay hindi rin naman basta-basta makauwi dahil sa trabaho at gastos na rin. 

Nahahapong naihagod ni Simone ang buhok niya habang nakatitig sa drawer ni Colleen kung nasaan alam niyang nakalagay ang mga importante nitong mga gamit, ngunit wala roon ang kailangan niya. 

"Wala po talaga rito ang birth certificate ni Colleen, Nanay Lucille. Isa po iyon sa mga kailangan ko para makakuha ng death certificate niya." 

Kung bakit ba kasi sa kanilang bayan ay ang dami pang hinihingi bago mailibing ang yumao. 

"Baka naman sa iba niyang lalagyan?" Tumulong na rin ang ginang sa paghahanap. 

Umiling si Simone. "Hinalughog ko na po ang bahay, tinanong ko rin si Lohan kung saan alam niyang naglalagay ng mga gamit ang mommy niya, diyan lang daw," anya habang muling sinusuyod ang mga laman ng drawer. Ang tanging mga nandoon ay ang mga papeles ng mga bata at mga bills. 

"Girl, baka naman naiwan sa dating asawa? 'Di ba ala runaway bride lang naman sila ng kuya mo?" 

Natigilan si Simone at napaisip sa sinabi ni Carol. Tama siya, halos wala ngang kagamit-gamit si Colleen nang iuwi ng kaniyang kapatid, isang handbag lang na naglalaman ng ilang pamalit. Sinubukan din niyang isipin kung kailan kinailangan ni Colleen ang mga papeles nito, ngunit wala siyang maalala. Ang kinabubuhay lang kasi ni Colleen at mga bata ay ang pagtulong kay Simone sa kaniyang pag-o-online selling. Si Simone ang may-ari ng business kaya naman sa kaniya rin nakapangalan ang permit. Naalala rin niyang kaya si Samuel lang ang nakaalis pa-abroad ay dahil nga hindi raw makakaalis ng bansa si Colleen dahil sa kakulangan ng papeles, pero balak talaga nilang mangibang bansa sana pareho kapag isang taon na ang mga bata. 

"Mukhang tama ka nga," aniya saka napatingin kay Carol nang nagtataka. Si Carol kasi ang bantay sa garahe kung nasaan si Colleen, si Carol ang pinagbantay nila dahil tinutulungan siya ni Nanay Lucille sa paghahanap. "Bakit ka nga nandito? Nasaan sina Lohan?" 

Nag-snap sa ere si Carol. "Ah, oo. Tatawagin kasi kita, nasa labas kasi 'yong tao ni Jonathan Clark." 

"Why am I not surprised," wala sa sarili niyang bulalas. "Bakit daw?" 

"Baka iyan na 'yong sinasabi niyang pababalikin niya 'yong tauhan niya para magbigay ng tulong?" hula ni Nanay Lucille. 

"Siguro? Hindi niya sa akin sinabi. Gusto raw niyang makausap ay 'yong nag-aayos ng libing ni Colleen." 

Tumingin ang mag-ina kay Simone. Of course, siya naman talaga ang nag-aayos ng burol ni Colleen, kaya kung may hinahanap nga ito ay siya na nga iyon. Lumabas na siya para harapin ang nasabi. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang ang lalaking naroon ay ang lalaki ring kasama ni Jonathan kagabi. Lorenzo raw ang ngalan nito. Ngunit muli siyang kinabahan nang mapansin niyang panay ang sulyap ni Lorenzo sa dalawang magkatabing bata, sina Lohan at Lindsay. Naglalaro sila ng chessboard na ang tanging move lang na alam ay ang kung paano kumain. Simone once thought them pero hindi naman nila maisaulo ang lahat ng rules. 

Tumikhim si Simone upang agawin ang atensyon ni Lorenzo. Kaagad naman itong bumaling sa kaniya habang nasa likod ang dalawang mga kamay. 

"Good afternoon, Miss Simone." 

"Good afternoon." Nasa mood siya at hindi ang iresponsableng dating asawa ni Colleen ang kaharap kaya polite siya. "Hinahanap ninyo raw po ako?" 

"Yes, Miss Simone. Galing na po kami rito ng amo ko, si Mr. Clark..." 

"Natatandaan nga kita," tango niya. 

"Ipinabibigay niya po ito." Inabot nito sa kaniya ang isang pahaba at manipis na envelop. Sa pagtataka ay tinanggap iyon ni Simone at kaagad na binuksan bago pa magpaalam si Lorenzo. 

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang money check iyon na naghahalagang 500,000. Pirmado at may pangalan na ni Jonathan Clark. Alam niya na kaagad kung para saan iyon. Ngunit masyadong malaki ang halagang ito, sobra-sobra pa sa nagastos na nila at magagastos sa mga susunod pang araw. 

"Sabihan ninyo lang daw po siya kung kulang pa iyan, ibigay ko rin daw po ito sa inyo." Nag-abot pa ito ng isa pang folder. Hindi na sana kukunin ni Simone pero iniabot na ito sa kaniya. Nang tingnan niya ito ay para siyang lalong nahilo. 

"Titulo ng lupa?" 

Tumango si Lorenzo. "Kay Mr. Clark po iyan nakapangalan, pero maari ninyo pong gamitin iyan anytime tutal nasa inyo na ang mga papeles. I-contact ninyo na lang daw po siya kung may kailangang pirmahan, nasa folder na rin ang contact niya. Bumili po siya ng lupa sa isang graveyard para hindi ninyo na raw po problemahin ang libingan ng kaniyang asaw-"

Mabilis na umiling si Simone at hindi na pinatapos si Lorenzo. "Hindi ko ito matatanggap. Sabihin mo sa amo mo na kumpleto na ang lahat ng bayarin, hindi na kailangan." 

Ibinalik niya ang folder at envelop kay Lorenzo. Ngunit sa halip na tanggapin ay umatras ito ng dalawang hakbang palayo sa kaniya at inilagay ang dalawang kamay sa likuran. 

"Ipagpaumanhin po ninyo, Miss Simone, pero ang sabi po ni Mr. Clark, kung isasauli ninyo raw po ay huwag na 'wag ko raw pong tatanggapin. Kung gusto ninyo raw pong ibalik ay siya raw po ang kausapin ninyo mismo." Tumungo ito. "Uuna na po ako. Salamat." 

Tumalikod na ito at naglakad paalis. Laglag ang panga na nakatingin lang siya kay Lorenzo hanggang makalabas ito ng kanilang garage. Pakiramdam niya ay naisahan siya. Klaro kagabi pa lang na hindi niya tatanggapin ang inaalok nitong tulong, marahil kaya ginamitan siya nito ng ganoong trick. Gustong mapamura ni Simone nang tuluyan siyang naka-recover, ngunit hindi niya ginawa dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bata. 

"Ang yaman siguro talaga niya. Nakabili kaagad siya ng lupa rito sa Bulacan, nasa kaniya na rin ang titulo, ibig sabihin hindi installment," manghang sabi ni Carol na hindi na namalayan ni Simone na kinuha na sa kaniya ang folder para tingnan. 

Umiling siya at naisip ang kuya niya. Siguradong magagalit sa kaniya si Samuel kapag tumanggap siya ng kahit na anong tulong galing sa asawa ni Colleen. Kahit hiwalay na ay ayaw pa rin ni Samuel na magkaroon ng kahit na anong ugnayan ang kanilang pamilya kay Jonathan, lalo na ang mga batang itinuring niyang kaniya. Ma-pride din si Samuel kaya siguradong hindi ito papayag na pagtapos niyang itakbo si Colleen noon ay ngayon tatanggap sila ng tulong galing kay Jonathan? Iyan din ang rason kung kaya't kahit na alam ni Colleen na maaring si Jonathan ang pag-asa para mapagamot si Lindsay, hindi niya pa rin nilapitan ang dating asawa. 

"Kailangan ko itong isauli," aniya at kinuha ang folder kay Carol. 

"Ano? Isasauli mo?" hindi makapaniwala si Nanay Lucille. Hinigit siya nito papasok ng bahay at binilinan si Carol na bantayan ang mga bata. Pagkapasok sa loob ay pinaupo na siya nito sa sofa. "Simone, maging praktikal ka. Malaking tulong ang lupang 'yan, ilan taon mong babayaran ang lupang kinukuha mo para sa lilibingan ni Colleen. Sa tingin mo ba papayag ang nobya ng kuya mo na tulungan kang magbayad ng lupa para sa ex niya?" 

Hindi siya nakasagot, pero alam niyang may punto si Nanay Lucille. Kaya naman nagpasya siya na tawagan si Samuel at sabihin ang pagdating ng tauhan ni Jonathan. Hindi niya na sinabi na nanggaling na rin doon si Jonathan upang hindi na masyadong mag-panic ang kapatid. 

"Ibalik mo iyan, Simone. Hindi tayo puwedeng magkaroon ng kahit anong ugnayan o utang na loob sa kaniya, baka kunin niya pa ang mga anak ko." 

"Kuya, 'di ba may idea naman siyang buntis ang asawa niya noon, pero wala siyang pakialam. Sa tingin mo ba talaga kukunin niya ang mga bata?" 

Napapaisip din si Simone kung kailangan nga ba niyang matakot na ilayo sa kaniya ang kambal. 

Ilan sandaling natahimik si Samuel bago ito muling nakahanap ng salita. "Mas mabuti nang nakakasiguro tayo. Basta isauli mo na ang mga 'yan, ngayon din." 

Matapos makipag-usap sa kapatid ay napag-isip-isip si Simone. Maari sanang saka niya na isauli ang pera at titulo pagtapos ng libing, pero naisip din niyang sasamantalahin niya na lang ang pagkakataon upang kunin ang mga mahahalagang papeles ni Colleen na kakailanganin niya. 

"'Nay Lucille, kayo na po munang bahala sa kambal." 

"Sige, pero bakit, saan ka pupunta?" 

Tiningnan ni Simone ang card na nakasama sa folder na ibinigay ni Lorenzo. Contact at office address ni Jonathan Clark. 

"Pupuntahan ko po si Jonathan Clark." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 23: Torn (pt2)

    Halos manigas si Jonathan sa kaniyang kinatatayuan, at hindi niya magawang harapin si Regina. Because at the end of the day despite Regina's annoying attitude, despite him being disappointed to her, she knew that she's right and she have every rights to be mad."Please deny it," she begged.He looks up, as if the strength he needs are there and he needs to take it. Saka niya hinarap si Regina na halos kaniyang pagsisihan. Her tears are falling from her eyes, he can feel her pain. Bato man siya sa sarili niyang nararamdaman, ngunit hindi siya manhid sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya. Guilt are all over his body. He sympathize her, and he knew it's his fault. Hindi man niya mahal si Regina kagaya ng pagmamahal nito sa kaniya, malaki pa rin ang pagpapasalamat niyang mahal siya nito. Ayaw niya pa rin itong masaktan."Walang namamagitan sa amin ni Simone, Regina," he said bitterly. "But you deserve the truth. I have feelings for her, but she denies me, and she tells me she's l

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 23: Torn

    Chapter 23:"Gaga! Nakakaloka ka!" nanggigil na komento ni Carol kay Simone matapos niyang ikuwento rito ang nangyari sa kanya ngayong araw. Kung paano niya pinigilan si Jonathan sa pagtatapat sana nito ng nararamdaman at sa pagpapaalam niya rito. Walang dinatnan si Simone sa bahay pagkauwi niya. Hindi niya rin alam kung saan nagpunta ang kuya niya at ang asawa nito. Mabuti na lang at may dala siyang duplicate ng susi kaya nakapasok pa rin siya. Sa labas ng bahay ay naroroon si Carol at siyang sumalubong sa kaniya. Tila hinihintay talaga siya nito upang makibalita sa kung bakit siya sinundo ng tauhan ni Jonathan. Tanging paghinga lang ng malalim ang naisagot ni Simone sa kaibigan, habang nakatanaw sa malayo. Sa Kanilang anggulo ay kita niya ang mabagal na paglubog ng araw sa likod ng mga malalayong kabahayan, ang kulay kahel na kalangitan na unti-unti nang nagpapalit ng kulay. Tila ibang-iba ang awra ng kapaligiran ngayon ni Simone. Dati ay laging nakabukas ang TV habang maingay

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 22: Huling pagkikita (pt2)

    Pagkaalis ni Jonathan ay hinarap niya kaagad si Lohan. "Tita Sisi, 'di ba po may papa na po kami? Bakit sabi po ni Mr. Clark daddy daw po namin siya?" Humikbi si Lohan sa tanong na iyon. Pinagsalitan niya ng tingin ang kambal. Si Lindsay ay bahagya lang tumungo. Hinaplos niya ang ulo ni Lohan saka pinaupo sa tabi ni Lindsay upang madali niyang makausap ang kambal nang sabay. Bahagya siyang ngumiti upang pagaanin kahit papaano ang kanilang pag-uusap. "Hindi porque daddy ninyo si Mr. Clark ay ibig sabihin hindi ninyo na papa ang Papa Samuel ninyo. Kaya hindi dapat kayo umiiyak, dahil maswerte pa kayo dahil dalawa ang ama ninyo. Dalawa ang magmamahal sa inyo, ayaw ninyo ba iyon?" "Pero hindi ko po maintindihan..." Parang pinipiga ang puso ni Simone nang makita niya ang pagpatak ng luha nito, maski si Lindsay na tinanggap naman na si Jonathan ay nakikitaan pa rin ng sakit at lungkot sa mga mata. Pinupunasan na kaagad nito ang mapupulang mga mata bago pa tumulo nang tuluyan ang kaniya

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 22: Huling pagkikita (pt1)

    Chapter 22:Ang mataray at nakataas na kilay ni Regina ang sumalubong kay Simone pagkarating nila ni Lorenzo sa mansion.Hindi naman siya nag-e-expect ng masayang pagsalubong sa kaniya, alam naman niyang mainit ang dugo ng mga ito sa kaniya, pero bilang polite ay sana naman hindi manlang nito masyadong ipahalata iyon, tutal naman ay sila ang may kailangan sa kaniya ngayon, kaya nga siya ipinasundo, hindi ba?Ganoon pa man ay binalewala na lang iyon ni Simone. Wala siyang panahon makipagtalo. "Nasaan ang mga bata?" Umirap si Regina. "Nasa kuwarto, nag-iinarte. Hindi mo naman kami sinabihan na brat mo palang pinalaki 'yong mga bata." Nanliit ang mga mata ni Simone dahil sa tono ng pananalita ni Regina. May halong paninisi at panunuya, panghuhusga. "Hindi namin gano'n pinalaki ang mga bata. Kahit sinong bata naman ay maguguluhan sa mga nangyayari ngayon, kaya nga nakiusap ako sa inyong ako muna ang kakausap sa mga bata, 'di ba?" Kanina sa byahe ay sinabi na sa kaniya ni Lorenzo kung

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 21: Secret feelings

    Chapter 21:Unang umaga na wala sa bahay sina Lindsay at Lohan, pakiramdam ni Simone ay masyadong tahimik ang bahay. May kasama naman siya pero pakiramdam niya ay mag-isa siya.Mula nang isilang ang kambal ay kasama niya na ang dalawa, kaya naman hindi niya ma-imagine ang mga susunod pang araw na wala ang mga ito.Gusto niya sanang kumustahin ang dalawa, ngunit wala namang gadgets ang dalawang bata, hindi rin naman siya kumuha ng contact ni Jonathan kaya hindi niya rin alam kung saan maaring tumawag.Ngunit sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung papayag din si Jonathan na makausap nila ang mga bata, knowing na galit ito sa kaniyaMula sa iniinom na kape ay napatingin siya kay Samuel nang pumasok ito sa dining area para kumuha ng tubig sa refrigerator.Pinanood niya muna ang kuya niya at pinakiramdaman.Kagabi kasi nang huli silang nagkausap bago ito nagkulong sa kuwarto nila ni Melanie ay sobra pa rin nitong lungkot. Pakiramdam daw nito ay nabigo nito si Colleen dahil nakuha ni Jona

  • Loving the Billionaire's Child    Chapter 20: He needs her

    Chapter 20:Sa gabing iyon ay buong magdamag ngang sinamahan ni Jonathan ang kambal, doon na siya natulog. Sinundo pa siya ni Regina dahil gusto sana nito siyang makatabi, pero tulog na siya kaya wala na itong nagawa.Kinabukasan lang sila iniwanan ni Jonathan nang magising siya ng umaga. Tulog pa ang dalawa at sinamantala niya na iyon upang maayos muna lahat ng mga dapat niyang ayusin sa kaniyang opisina sa bahay.Sakto rin namang maaga ang kaniyang secretary at na-dropped na ang mga papers na pinakukuha niya.Binilin niya na rin kay Yaya Jennie na tawagin siya kapag gising na ang kambal at pakakainin na ng breakfast, nang sa ganoon ay makasabay siya sa mga ito.He's trying his best to focus on what he's reading, but he is still distracted by remembering what happened last night.Halos isang oras umiiyak si Lindsay, tumahan lang ito nang kinausap niya nang maayos."Si Mama lang po ang kayang tumanggap sa akin kahit mahirap po akong algaan at buhatin, kahit abnormal po ako, kaya po na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status