LOGINNang makarating sila sa tamang palapag ay dumiretso kaagad si Lorenzo sa secretary desk. Kaagad naman na sumunod si Simone.
"May bisita ba si OJC?"
"Wala naman, but he's preparing for his meeting later."
Tumango lang si Lorenzo at iginiya si Simone sa isang pinto. Nilingon pa ni Simone ang secretary dahil baka pigilan siya nito dahil sa wala siyang appointment, pero nagpatuloy lang ito sa pagsagot sa mga tawag mula sa teleponong kaharap at hinayaan silang makalagpas. Kumatok na muna si Lorenzo bago binuksan ang pinto. Kanilang naabutan si Jonathan na abala sa pagbabasa ng mga dokumento at may suot na reading glasses, habang nakaharap sa kaniyang laptop. Kagaya ng sinabi ng sekratarya nito ay abala nga ito para sa meeting mamaya.
"Yes?" tugon ni Jonathan kahit na hindi manlang sila nito sinulyapan.
Tumikhim muna si Lorenzo bago magsalita. "Miss Simone is here, Mr. Clark."
Tumigil si Jonathan sa kaniyang ginagawa at sa wakas ay binalingan sila ng tingin. Napalunok si Simone nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso at tila kinakabahan. Hindi iyon ang inaasahasn ni Simone na mararamdaman niya sa oras na magkaharap silang muli. Akala niya ay bibigat ang loob niya dahil alam niya ang ginawa nito sa kaniyang yumaong kaibigan, ngunit hindi. Pakiramdam niya ay lumilipad ang kaniyang puso at hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Nang makabawi sa gulat ay itinanggal na ni Jonathan ang kaniyang reading glasses at humilik sa kaniyang swivel chair nang hindi inaalis ang tingin kay Simone.
"Papasukin mo."
Kaagad siyang binalingan ni Lorenzo at inilahad ang kamay sa kaniyang daanan. Huminga na muna ng malalim si Simone bago sumunod. Ano man ang nararamdaman niya ay isinantabi niya na lang muna. Wala siyang planong i-entertain ang kahit anong nararamdaman niya lalo na kung para kay Jonathan Clark. Alam niya kung gaano ito kairesponsableng asawa, hindi ang tipo niya ang gugustuhin ni Simone na kahangaan. Isa pa, sa tingin niya ay ang nararamdaman niya ngayon ay gawa lamang ng kaalaman na si Jonathan Clark ay ang taong alam niyang kayang bumawi ng mga bata mula sa kaniya, at ayaw niyang mangyari iyon.
Akala ni Simone ay kasama si Lorenzo sa kanilang pag-uusap ni Jonathan, ngunit nagulat siya nang pagpasok niya ay isinara na ni Lorenzo ang pinto nang hindi pumapasok sa loob. Bago pa siya makapag-react ay nagsalita na si Jonathan kaya muli siyang napabaling dito.
"Why are you here?"
Ibinigay na sa kaniya ni Simone ang kanyang buong atensyon at lumapit sa desk ni Jonathan. Itinago niya ang kaba sa kaniyang mukha. Bilang online seller ay sanay na siyang I-compose ang sarili niya at itago ang tunay na nilalaman ng isipan niya o nararamdaman.
"Sa tingin ko Mr. Clark ay alam mo na kung bakit," diretso niyang sinabi saka inilapag sa harapan ni Jonathan ang folder. Magkapatong ang folder at ang envelop na naglalaman ng check.
Bumaba ang tingin ni Jonathan sa folder. She's right, alam niya na kaagad kung ano ang pakay ni Simone at kung ano ang folder na iyon. Bumuntonghininga si Jonathan at muling nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Asawa ko si Colleen, hayaan mo akong tulungan ko siya, Simone. Or let's just say that being my wife, what's mine is hers too, so she has every rights for that property-"
"Property na binili mo pagkamatay niya? No thanks."
Nagdiin ang bagang ni Jonathan habang nakatingin sa kaniya. Tumaas ang kaniyang dibdib nang muli ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Sinuway ni Simone ang sarili ngunit tila hindi nakikinig sa kaniya ang sariling puso.
Tumayo na si Jonathan at umikot sa kaniyang desk upang lapitan si Simone. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang bag at pinilgilan ang sariling umatras. Ayaw niyang mag-isip si Jonathan ng kahit na ano. Ayaw niyang isipin nito na nasisindak siya rito. Pinanood niya lang si Jonathan nang sumandal ito sa desk at nagpamulsa habang magkaharap sila.
"Kaibigan ka lang naman ni Colleen, I'm her husband. Paanong nangyari na mas may karapatan kang tulungan siya kaysa sa akin, Simone?"
"Kaibigan na hindi nawala sa tabi niya sa mga panahon na kinailangan niya," sumbat ni Simone, implying that Jonathan wasn't there for Colleen even before.
"Kaibigan na nakilala niya nang sumama siya sa kapatid mo. Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang na tinutulungan ko pa siya, kayo. She cheated on me, just in case you forgotten."
"Sumama siya sa kapatid ko dahil hindi ka naging mabuting asawa-"
He immediately cut her. "Come on, Simone. Cheating is cheating; stop justifying your brother's sin."
Hindi nakaimik si Simone. Alam niya namang may punto si Jonathan, at alam niya rin noon pa na kasalanan ang pagsasama ng kuya niya at ni Colleen. She just chose to understand it because she knew that no woman deserves to be with someone like Jonathan.
"But I'm not petty enough to fight someone over a woman. Now accept these, and you're free to go." Itinuro ni Jonathan ang pintuan.
"Aalis naman talaga ako, pero hindi ko na tatanggapin ang ibinibigay mo. Salamat na lang." Tatalikuran na sana ni Simone si Jonathan nang muli itong nagsalita.
"You're just like Colleen, Simone. You don't know how to be practical. I searched for every memorial and graveyard in Bulacan and learned that you don't own property to bury her. Nalaman ko rin na kumukuha ka ng hulugang lupa sa isang memorial at alam kong para kay Colleen iyon."
Tumaas ang dibdib niya habang pinakikinggan si Jonathan. He's right, and maybe that's the reason why he bought a property for her. Muli niya itong hinarap.
"At kagaya ka pa rin ng dati, Mr. Clark. You will give what you want to give without asking what she really needs and what she wants. Kaya hindi siya naging masaya sa 'yo at kaya ka rin niya iniwan."
Lalong sumeryoso ang anyo ni Jonathan. Parang gustong magsisi ni Simone sa mga sinabi niya. Dahil sa dala ng emosyon ay hindi na niya natimbang pa ang kaniyang sinasabi at hindi niya masabi kung tama nga bang nagsalita pa siya.
"I offered you last night, and you just pushed me away."
"Because we don't need your money."
"She's my wife, and I want to help her at least one last time. Why won't you let me."
Pinagmasdan siya ni Simone. Kitang-kita ang irita sa mukha ni Jonathan, at ang pagiging sincere nito. Halatang kagaya niya ay pagod na rin itong makipagtalo sa kaniya. Huminga siya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili. Hindi siya nandito para makipagtalo. Bukod sa titolo at pera ay may iba siyang kailangan kay Jonathan kaya siya nandito.
"Tatapatin na kita, kung gusto mong tulungan ang asawa mo, ibigay mo lang sa akin ang mga legal papers niya at bawi ka na sa mga pagkukulang mo. Iyon lang ang kailangan ko para maipalibing nang maayos si Colleen. Iyon lang ang kulang."
Pinagmasdan siya nito na tila pinag-aaralan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Tinapatan niya ang titig nito bago si Jonathan na ang unang nagbawi ng tingin para kunin ang kaniyang cellphone. He dialed someone in his phone and Simone watch him.
"Find Colleen's papers at my office... Yes I need it... I'm not sure... Kapag nakita mo ipadala mo kaagad dito sa office." Pagkababa ni Jonathan ng cellphone ay muli nito sa kaniyang ibinalik ang buong atensyon.
"Don't go anywhere; wait for my maid to find it for you."
"Talaga?" Nagulat siya, hindi niya akalain na ganito lang ito kadaling kausap.
Nagtaas ng kilay si Jonathan sa kaniya. "Sabi mo iyon lang ang kailangan mo?"
Mabilis siyang tumango. "Oo nga, iyon nga lang."
"Then stay."
Hindi na nakakibo pa si Simone. But deep inside, staying here with Jonathan? She can't imagine.
Ganito ako ka-excite ilabas ang chapter na 'to, another chapter! See you tomorrow! 💕💕😁
Malapit lang ang condo ni Jonathan sa building ng kaniyang opisina, kaya naman 30 minutes lang ay nakarating na rin sila roon.Pagkahinto ng sasakyan ay kaagad na nagtanggal ng seat belt si Simone at hindi na hinintay pang pagbuksan siya ni Lorenzo ng p***o, siya na ang nagbukas at sinalubong kaagad siya nito sa labas na plano sana siyang pagbuksan ng p***o.Tiningala niya ang kataasan ng condo building habang si Lorenzo na ang nagsara ng p***o sa kaniyang tapat.Knowing na nasa loob niyon si Jonathan ay tila hindi na naman mapakali ang kaniyang puso, nais na naman kumawala sa kaniyang dibdib.Kailangan niya na yatang i-normalize ang kabang nadarama niya pagdating kay Jonathan. "Halika na po sa loob."Inilahad nito ang kamay sa kaniyang daan para paunahin siyang maglakad, kaya sinunod niya na lang ito kahit pakiramdam niya ay ano mang oras ay bibigay na ang kaniyang tuhod.Iniabot lang ni Lorenzo ang car keys sa valet at kaagad din na sumunod sa kaniya.Tinanguhan niya lang ang securi
Chapter 15Napapabuntonghininga si Jonathan habang binabasa ang files na iniwan sa kaniya ng kaniyang private investigator.Matapos ng engkuwentro nila ni Samuel sa sementeryo ay hindi na siya napakali. Matapos ng mga sinabi nito tungkol sa mga bata ay lumakas ang kutob niya tungkol sa kambal. Tungkol sa kung sino nga bang ama ng dalawa?Kaya naman tinawagan niya kaagad ang kaniyang private investigator para alamin ang detalye ng kambal, at ang naging buhay na rin ni Colleen noong naghiwalay sila.Nakakatatlong basa na siya sa mga files dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Simone fake their age, making him believe that it was impossible that the children are his.Binabasa niya iyon nang paulit-ulit, thought that he could just misread something, but the documents saying just one thing...Lindsay and Lohan were five years old, and they were born 7 months after him and Colleen's separation."Sir, inaamin ko po, noong una ko pong nakita si Lohan nang inihatid ko sa baha
Hindi niya na hinintay ang magiging sagot nito, ayaw niya na rin makita ang magiging reaksyon ng kuya niya, kaya binilisan niya na ang pag-akyat at bumalik sa kuwarto ng kambal. Pagkabukas niya ng p***o ay napatayo si Carol. Ang nag-aalala nitong mukha ang sumalubong sa kaniya.Nanghihina na sumandal siya sa p***o habang dahan-dahan na sinasara iyon."Okay ka lang?" Base sa tingin nito sa kaniya ay alam niyang hindi niya na kailangan ikuwento o ipaliwanag ang nangyari sa baba kanina. Marahil dinig din nito hanggang second floor ang kanilang naging pag-uusap. Nang tanungin iyon ni Carol ay hindi napigilan ni Simone ang kaniyang emosyon. Tinakpan niya ng palad niya ang kaniyang bibig upang hindi makagawa ng ingay ang kaniyang pagsinghap. "Carol, gusto kong magalit kay Kuya at Colleen sa pagsisinungaling nila sa akin, pero hindi ko magawa." Pumait ang kaniyang boses at umiling. "Anim na taon kong hinusgahan si Joe, nagsinungaling ako sa kaniya para lang itago ang katotohanan, pinagkai
Chapter 14:Hindi makapaniwala at naiiling na inihagod ni Simone ang kaniyang buhok habang pinakikinggan ang kuwento ni Samuel at Melanie tungkol sa kung anong nangyari sa simenteryo kanina.Nakatulog na ang kambal sa kakaiyak. Hindi sila iniwanan ni Simone sa kuwarto hangga't hindi sila tumatahan at nakakatulog.Kitang-kita ang takot sa kambal. Never pa kasi silang nakasaksi ng pagiging bayolente, iniiwasan din ni Simone at Colleen na manood ng mga hindi pambatang palabas para sa kambal. Kaya naman hindi na nakakagulat na ganoon na lang ang takot nilang dalawa na nasaksihan ang pagiging bayolente ng kanilang ama. Nagpaalam na si Natasha na umuwi upang hindi na makaabala pa sa family problem na kailangan nilang pag-usapan, samantalang si Carol ang naiwan sa kuwarto habang kinakausap ni Simone sina Samuel. Kahit na tulog ay ayaw niya pa rin na iwan ang kambal dahil baka magising sila nang umiiyak, o 'di kaya ay baka bangungutin. Mas mabuti nang may kasama sila. Komportable naman din s
Just by thinking of his mother's words, he decided to visit Colleen. Ang huling pagbisita niya roon ay noong ika-40th days nito. Wala siyang naabutang tao roon dahil palubog na ang araw nang dumating siya, ngunit alam niyang galing doon sina Simone dahil sa mga bulaklak at kandila. Nanghinayang nga siya noon nang hindi niya ito abutan. Alam niya namang puntahan ang bahay ni Simone, anytime ay kaya niyang bumisita pati sa mga bata. But he knew that he cannot see them again. To respect his relationship with Regina and also Simone's decision. As much as he wants to be part of their life, si Simone na ang humiling sa kaniyang lumayo, at kahit ayaw niya ay kailangan niya iyon ibigay kay Simone. Sa katunayan, sa loob ng tatlong buwan ay ilan beses niya na ring muntik nang puntahan si Simone, but he can't find any excuses to see her, and the kids. "Just wait for me here," bilin niya kay Lorenzo pagkalabas niya ng sasakyan habang nakaabang ito sa may p***o at hawak ang isang basket ng puti
Chapter 13:"I met your Aunt Nina, and guess what, she showed me a few of her new jewelry collection, and I bought one for you, son."Nagtaas lang ng kilay si Jonathan sa kaniyang ina. Nasa opisina siya at abala sa pagbabasa ng ilang mga dokumento na kailangan niyang i-review bago pirmahan, nang bigla na lang dumating ang kaniyang ina na si Jolina.She looks excited when she comes in, that's why instead of telling her that he's busy, he just lets her sit at the couch in the corner and pretend that he's listening.Aunt Nina was Jolina's best friend and an owner of a jewelry line collection. Jolina mostly spending her time shopping, kaya naman hindi na bago kay Jonathan na bumili na naman ito ng bagong dagdag sa collections niya na mga alahas. Ang ikinagulat niya ay na binilhan pa siya nito. He isn't into jewelries, the only accessories he would wear is a watch and sunglasses, and he knew that his mother knows that. Magsusuot lang siya ng jewelries kung bagay iyon sa kaniyang suit kapa







