LOGINChapter 3:
Hapon na nang nakarating si Simone sa Clark Realty, ang address na nakalagay sa folder na iniwan sa kaniya ni Lorenzo. Muntik pa siyang maligaw dahil unang beses pa lamang niyang makarating sa lugar na iyon. Halos tatlong oras din ang naging byahe ni Simone, sa layo ba naman ng nasabing lugar mula sa kaniyang pinanggalingan. Kaya naman laking pasasalamat niya nang makita ang pangalan ng Clark Realty sa may bandang itaas ng tower, dahil sa palagay niya ay tama ang napuntahan niya at hindi siya nag-aksaya lang ng oras at pagod. Huminga ng malalim si Simone habang tinitingala ang kabuuan ng tower, at tinatanong sa sarili kung talaga bang papasok siya sa loob para kausapin si Jonathan at ibalik ang pera at titulo ng lupa. Kanina ay buo ang loob niya na hindi niya tatanggapin ang ibinigay nito, pero ngayon ay may parte sa loob niyang iniisip kung gaano kalaking tulong ang ibinigay ni Jonathan sa kaniya. Isa pa, sa hindi rin niya alam na dahilan ay kinakabahan siyang harapin ang lalaki. Isang dahilan lang ang pumasok sa kaniyang isipan para tuluyang maging pinal ang desisyon ni Simone. Ang mga bata. Tama ang kuya niya, hindi puwedeng magkaroon ng kahit na anong ugnayan pa sa kanila si Jonathan Clark, hindi nito maaring kunin ang kambal sa kaniya. Dahil sa isiping iyon kaya tumuloy na si Simone sa loob. Pinapasok naman siya ng guard kahit na hindi siya nito kilala. Hindi mapigilan ni Simone na mapahanga nang tumambad sa kaniya ang maganda at mordenong disenyo ng Clark Realty sa loob. Pagkapasok pa lang ay ang una nang makikita ay ang malaking screen kung saan naka-slide show ang logo ng kompanya, kasunod ay ang bawat gusali na parte rin ng Clark's Realty. May isa pang taong nasa slide show na sa tingin ni Simone ay ang founder ng kompaniya. Sa cream and brown na kombinasyon ng kapaligiran ay maaliwalas at ang garang tingnan ng lugar. Ang Clark ay nagmamay-ari ng ilang resorts, hotels at restaurants sa loob at labas ng Pilipinas. Ang buong building na tinatapakan niya ngayon ay pagmamay-ari mismo ng Clark. Hindi makapaniwala si Simone na ganito kayaman ang ex - husband ni Colleen. Kaya naman pala gano'n-ganoon na lang ito magbigay ng titolo at pera. At marahil kaya ganoon na lang din ang takot ng kaniyang kuya na magkaroon ito ng interest sa mga bata. Magiging madali nga para kay Jonathan Clark na kunin ang gusto nito, sa ayaw nila at sa gusto. Ipinilig ni Simone ang kaniyang ulo. Hindi dapat siya mamangha sa nakikita niya ngayon, bagkus ay dapat niya ngang kabahan. Kaya naman dumiretso nga si Simone sa front desk. May tatlong tao roon na nag-a-accommodate sa mga tao roon na nakapila at gustong pumasok. Hindi lang siya ang nasa front desk para humingi ng permiso o appointment sa kung sino-sinong nasa loob. Ni hindi nga kaagad siya naasikaso kahit tatlo na ang nasa front desk. Kinailangan pa niyang maghintay na matapos ang ilan bago siya balingan ng atensyon ng isa sa mga front ladies. "What can I help you, Ma'am?" Tipid niyang sinuklian ng ngiti ang ngiti sa kaniya ng babae. "I'm here to speak with Mr. Jonathan Clark." "May appointment, Ma'am?" Ngumiwi si Simone saka alanganing umiling. "Sorry, Ma'am. Kumuha po muna kayo ng appointment. Hindi po nakikipag-usap si OJC sa mga walang appointment sa kaniya." "OJC?" "Owner Jonathan Clark, Ma'am." Kulang na lang ay tawagin siya nitong tanga dahil hindi niya kaagad nakuha ang ibig nitong sabihin. Napatango si Simone. Nagtanong siya kung paano makakakuha ng appointment at kung gaano katagal. "Well, Ma'am. We have 51 pending appointments for OJC; you're 52nd on the list," nakangiting ani front lady. Namilog ang mga mata niya at hindi niya na nagawang suklian pa ang ngiti ng babae na tila kasama sa job description ang pagngiti. "52? Ang layo po ata." "Sorry Ma'am, marami po talagang kumukuha ng appointment para kay OJC, kailangan pa rin po iyon aprubahan ng secretary nya. Mag-iwan na lang po kayo ng contact number para matawagan po namin kayo kapag may schedule na." Nanlumo siya at nainis. Ang lakas ng loob ni Jonathan na sabihing kung gusto niyang isauli ang mga ibinigay nito ay ito mismo dapat ang kausapin, e, napakahirap naman palang kumuha ng appointment sa kaniya. Ganoon pa man ay wala na siyang nagawa. Ayaw naman niyang mang-eskandalo o magpumilit mapagbigyan lang. Ibinigay niya na lang ang mga kailangan para makapagpa-schedule ng appointment. Habang ibinibigay niya ang contacts niya ay napansin niya ang pagdaan ng isang lalaki na kaagad niyang nakilala, si Lorenzo. Kaya naman kaagad siyang nag-excuse at tinawag ang lalaki na kaagad namang lumingon at huminto. "Miss Simone?" Nilapitan niya si Lorenzo at sinalubong naman siya nito. Nang mapatingin si Lorenzo sa hawak niyang folder ay nakuha kaagad nito kung anong ginagawa niya sa Clark's building. "Miss Simone, bakit hindi ninyo po tanggapin na lang ang ibinigay ni Mr. Clark?" Inilingan niya si Lorenzo at iniabot ang folder. "Sinabi ko nang hindi ko ito kailangan, puwede bang tanggapin mo na lang, nang hindi ko na kailanganin pang maghintay sa appointment sa boss mo na ang hirap kunin." Sa halip na tanggapin ay inilagay pa ni Lorenzo ang dalawang kamay sa kaniyang likuran na halos ikalukot ng mukha ni Simone. "Maigi pang sumama po kayo sa akin, Miss Simone. Kayo na po ang kumausap kay Mr. Clark." Nanlaki ang mga mata niya at saglit na sumulyap sa front desk lady saka muling bumaling kay Lorenzo. Nginitian siya nito, nagpapahiwatig na seryoso ito sa inalok sa kaniya. Dahil sa kagustuhang makauwi na at maisauli na ang pera at titulo ay hindi na tinanggihan pa ni Simone si Lorenzo. Nakita pa niyang pinagtitinginan siya ng mga nakapila sa front desk dahil makakapasok siya nang walang appointment. Hindi tuloy niya napigilang ma-guilty dahil parang ang unfair niyon, pero inisip na lang ni Simone na hindi naman siya nakisingit sa pila, kusa itong inialok sa kaniya. Habang naglalakad patungo sa lift ay kapansin-pansin ang dami ng employees na nagtatrabaho sa building. Lahat ay presentable ang mga suot, mga pormal at may mga naka suit pa. Kahit ang mga janitors na may mga dalang mop ay maayos din ang uniporme. Pakiramdam tuloy ni Simone ay hindi siya bagay sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. Nakasuot lang siya ng simpleng blouse at tight jeans, kaya naman pakiramdam niya ay mas presentable pa sa kaniya kahit ang mga janitors o janitress sa loob ng building na ito.For unknown reason ay bigla siyang kinabahan, kung ganoon din ba ang magiging tingin sa kaniya ng isang Jonathan Clark.
Pero tama bang iniisip niya pa iyon?
Hello po! Thank you po sa pagbabasa! Ambunan nyo po ako ng kasipagan sa pag-u-update😁💕
Pagkaalis ni Jonathan ay hinarap niya kaagad si Lohan. "Tita Sisi, 'di ba po may papa na po kami? Bakit sabi po ni Mr. Clark daddy daw po namin siya?" Humikbi si Lohan sa tanong na iyon. Pinagsalitan niya ng tingin ang kambal. Si Lindsay ay bahagya lang tumungo. Hinaplos niya ang ulo ni Lohan saka pinaupo sa tabi ni Lindsay upang madali niyang makausap ang kambal nang sabay. Bahagya siyang ngumiti upang pagaanin kahit papaano ang kanilang pag-uusap. "Hindi porque daddy ninyo si Mr. Clark ay ibig sabihin hindi ninyo na papa ang Papa Samuel ninyo. Kaya hindi dapat kayo umiiyak, dahil maswerte pa kayo dahil dalawa ang ama ninyo. Dalawa ang magmamahal sa inyo, ayaw ninyo ba iyon?" "Pero hindi ko po maintindihan..." Parang pinipiga ang puso ni Simone nang makita niya ang pagpatak ng luha nito, maski si Lindsay na tinanggap naman na si Jonathan ay nakikitaan pa rin ng sakit at lungkot sa mga mata. Pinupunasan na kaagad nito ang mapupulang mga mata bago pa tumulo nang tuluyan ang kaniya
Chapter 22:Ang mataray at nakataas na kilay ni Regina ang sumalubong kay Simone pagkarating nila ni Lorenzo sa mansion.Hindi naman siya nag-e-expect ng masayang pagsalubong sa kaniya, alam naman niyang mainit ang dugo ng mga ito sa kaniya, pero bilang polite ay sana naman hindi manlang nito masyadong ipahalata iyon, tutal naman ay sila ang may kailangan sa kaniya ngayon, kaya nga siya ipinasundo, hindi ba?Ganoon pa man ay binalewala na lang iyon ni Simone. Wala siyang panahon makipagtalo. "Nasaan ang mga bata?" Umirap si Regina. "Nasa kuwarto, nag-iinarte. Hindi mo naman kami sinabihan na brat mo palang pinalaki 'yong mga bata." Nanliit ang mga mata ni Simone dahil sa tono ng pananalita ni Regina. May halong paninisi at panunuya, panghuhusga. "Hindi namin gano'n pinalaki ang mga bata. Kahit sinong bata naman ay maguguluhan sa mga nangyayari ngayon, kaya nga nakiusap ako sa inyong ako muna ang kakausap sa mga bata, 'di ba?" Kanina sa byahe ay sinabi na sa kaniya ni Lorenzo kung
Chapter 21:Unang umaga na wala sa bahay sina Lindsay at Lohan, pakiramdam ni Simone ay masyadong tahimik ang bahay. May kasama naman siya pero pakiramdam niya ay mag-isa siya.Mula nang isilang ang kambal ay kasama niya na ang dalawa, kaya naman hindi niya ma-imagine ang mga susunod pang araw na wala ang mga ito.Gusto niya sanang kumustahin ang dalawa, ngunit wala namang gadgets ang dalawang bata, hindi rin naman siya kumuha ng contact ni Jonathan kaya hindi niya rin alam kung saan maaring tumawag.Ngunit sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung papayag din si Jonathan na makausap nila ang mga bata, knowing na galit ito sa kaniyaMula sa iniinom na kape ay napatingin siya kay Samuel nang pumasok ito sa dining area para kumuha ng tubig sa refrigerator.Pinanood niya muna ang kuya niya at pinakiramdaman.Kagabi kasi nang huli silang nagkausap bago ito nagkulong sa kuwarto nila ni Melanie ay sobra pa rin nitong lungkot. Pakiramdam daw nito ay nabigo nito si Colleen dahil nakuha ni Jona
Chapter 20:Sa gabing iyon ay buong magdamag ngang sinamahan ni Jonathan ang kambal, doon na siya natulog. Sinundo pa siya ni Regina dahil gusto sana nito siyang makatabi, pero tulog na siya kaya wala na itong nagawa.Kinabukasan lang sila iniwanan ni Jonathan nang magising siya ng umaga. Tulog pa ang dalawa at sinamantala niya na iyon upang maayos muna lahat ng mga dapat niyang ayusin sa kaniyang opisina sa bahay.Sakto rin namang maaga ang kaniyang secretary at na-dropped na ang mga papers na pinakukuha niya.Binilin niya na rin kay Yaya Jennie na tawagin siya kapag gising na ang kambal at pakakainin na ng breakfast, nang sa ganoon ay makasabay siya sa mga ito.He's trying his best to focus on what he's reading, but he is still distracted by remembering what happened last night.Halos isang oras umiiyak si Lindsay, tumahan lang ito nang kinausap niya nang maayos."Si Mama lang po ang kayang tumanggap sa akin kahit mahirap po akong algaan at buhatin, kahit abnormal po ako, kaya po na
Chapter 19:"Ibabalik mo talaga ang mga bata sa babaeng 'yon?" tanong ni Regina pagkababang-pagkababa ni Jonathan ng kaniyang cellphone.Tinawagan niya ang kaniyang secretary para utusang dalhin sa kaniyang bahay bukas ang mga important papers na kailangan niya na kaagad pirmahan.Dahil plano niyang dalhin bukas ang kambal kina Simone kaya wala siyang planong pumasok bukas sa trabaho. Alam iyon ni Regina at hanggang ngayon ay tutol pa rin sa kaniyang plano.Hindi siya sumagot at initsa lang ang kaniyang cellphone sa kama. Pagod na siyang makipagtalo, mula kanina ay hindi na siya tinantanan ni Jolina at Regina tungkol sa kaniyang pangako sa kambal. Of course, there's no way they will let him do that.Nang umuwi si Jolina ay akala niya tatahimik na si Regina, pero hindi. Patulog na sila at lahat-lahat ay hindi pa rin ito tumitigil."Pagtapos ng naabutan namin, talagang hindi ka pa naniniwala-""Regina, hindi ko sa kanila iiwan ang mga bata. Dadalhin ko lang sila doon bukas para tulungan
"Mr. Clark!"Umawang ang labi ni Jonathan sa gulat nang makita si Lohan na tumatakbo patungo sa kaniya. Lalo namang lumiwanag ang ngiti ng kasambahay bago sila iwanan para iakyat ang kaniyang gamit.Hindi alam ni Jonathan ang kaniyang magiging reaksyon, gulat, tuwa at pagtataka.Anong ginagawa rito ni Lohan? Did Simone bring them here?Ganoon pa man ay nagawa niya pa ring bahagyang umupo para salubungin ng yakap si Lohan nang nakangiti."Lohan, why are you here?" tanong niya nang silipin ang mukha ng bata.Nagkibit-balikat lang ito. Umupo sa kaniyang hita at kumapit sa kaniyang batok habang tinitingnan ang kaniyang labi at pasa."May ganiyan din po si Papa, pero sabi niya po hindi masakit. Mr. Clark, yung sa inyo po ba masakit?"Inosente at malambing nitong tanong. Mas napangiti si Jonathan habang nakatingin sa maamong mukha ng anak niya. Pakiramdam niya siya ay nananalaamin habang nakatingin kay Lohan.Bakit hindi niya ito napansin una pa lang?Marahan siyang umiling at hindi napigil







