TINATANAW ni Anastacia sa malayo ang sasakyan ni Ethan. Pauwi na ng mansyon ang mag-ina."Mukhang seryosohan na yata 'yan. At masaya ako para sayo, anak..." sabi ni Victoria sa likuran ni Anastacia.Napalingon na mabilis ang dalaga sa kanyang ina."Mommy...""Oh, bakit? Napansin ko lang naman. Hindi mo kailangang itago sa akin ang nararamdaman mo, anak." Nakangiting sabi ni Victoria.Napayuko si Anastacia. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ina. Ilang sandali siyang nanahimik bago muling tumingin sa daan na tinahak ng sasakyan ni Ethan.“I’m happy, Mommy. I really am.”Napabuntong-hininga siya.“Pero, hindi ko lang alam kung hanggang saan kami ni Ethan.”Lumapit si Victoria at tumabi sa kanya.“Anak, hindi mo kailangang malaman agad ang lahat.”“Pero he has changed so much, Mommy. Now, he’s doing everything for the children. He even makes sure na okay ako.”“Because you matter to him. May parte ka sa buhay niya, hindi lamang ina ng kanyang mga anak."Napatingin si Anastacia sa k
Last Updated : 2026-10-07 Read more