Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na nila inaksayahan pa ang oras. Ibinigay ni Jenny ang lahat ng alam niya—ang bahay sa gilid ng gubat, ang lumang gusali na pag-aari ng pamilya Hernandez na bihirang puntahan ng sinuman, ang silid sa ilalim na siyang pinagtaguan daw kay Zander mula pa noong araw ng aksidente. Walang pag-aalinlangan, agad na naghanda sina Klea, Joseph, at John. Kasama na rin si Jenny, na ngayon ay tapat na silang kasama, handang magsilbing gabay at saksi sa lahat ng kanyang inamin.“Dito ko huling narinig na dadalhin si Zander,” ani Jenny habang mabilis na nagmamaneho, ang mukha ay puno ng pangamba at pag-aalala. “Sinabi sa akin ni Don Rafael na doon daw siya itatago pansamantala, malayo sa ingay at sa mga taong maaaring maghanap sa kanya. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya… o kung nandoon pa nga ba siya.”Napahawak nang mahigpit si Klea sa kanyang dibdib, tila ba bawat tibok ng puso niya ay nagsusumiksik na makarating na sila agad. Sa bawat segund
Última actualización : 2026-08-02 Leer más