Sa itaas ng silid, habang dahan-dahang nilalamon ng matinding antok at kalasingan ang kanyang diwa, hindi makatulog si Joseph. Sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang larawan ni Klea—ang pag-iwas nito, ang paglapit nito kay John, ang pananahimik nito sa halip na sabihing siya pa rin ang minamahal. Ang bawat imahe ay tila patalim na paulit-ulit na tumatagos sa kanyang puso, at ang alak na dapat sana ay nagpapakalma sa kanya ay siya pang nagpapalalim sa bawat damdaming nagngangalit sa kanyang dibdib.Lumapit si Jenny sa gilid ng higaan. Nakita niya ang pagpupumiglas sa isipan ni Joseph, ang pagngalit ng mga panga, at ang panginginig ng mga kamay na mahigpit na nakakuyom sa kumot. Dahan-dahan siyang lumapit, walang ingay, tila isang aninong nagpapaliyab sa kanyang matagal na pinaghahandaan.“Klea…” bulong ni Joseph sa kanyang kalasingan, halos hindi na niya namamalayan ang paligid. “Klea… bakit mo ako itinataboy? Bakit sa kanya ka lumalapit? Hindi mo ba alam… ikaw lang… ikaw lang ang minam
Última actualización : 2026-08-03 Leer más