Ilang araw na ang lumipas mula nang mailigtas nila si Zander at makulong si Don Rafael, pero tila hindi pa rin lubusan makapaniwala si Klea sa lahat ng nangyari. Sa bawat paggising niya sa umaga, ang unang hinahanap ng kanyang mga mata ay ang maliit na pigura ng kanyang anak na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Madalas ay hinahawakan niya ang kamay nito, tinitingnan ang bawat detalye ng mukha nito—ang ilong na katulad ng kay Joseph, ang mga mata na may kislap ng katapangan, at ang ngiting matagal na nilang hindi nakita. Parang isang panaginip ang lahat, takot siyang dumilat at mawala ulit ang lahat sa kanya.Sa kabilang banda, hindi rin maalis sa isip ni Joseph ang nangyari. Ang kanyang ama, ang taong itinuring niyang haligi ng pamilya at huwaran ng tagumpay, ay nahatulan ng pagkakulong dahil sa maraming kasalanan—pagdukot, panlilinlang, pang-aabuso sa kapangyarihan, at marami pang iba na matagal na itong itinatago. Dumating ang araw ng pagdinig sa hukuman, at naroon silang lahat u
Última actualización : 2026-08-10 Leer más