"Good morning, Mr. Montenegro."Sabay-sabay na yumuko ang dalawang staff na nasalubong nila sa hallway. Hindi man lang huminto si Damien upang batiin din pabalik yong mga staff.Bahagya lamang itong tumango bilang tugon bago nagpatuloy sa paglalakad. Ay aba, feeling mayaman eh no? Sabagay, mayaman nga naman talaga.Tahimik namang sumunod si Alyssa. Mula pa kanina ay napapansin na niya iyon. Lahat ng makasalubong nila ay agad na bumabati rito. May mga empleyadong bahagyang yumuyuko. May ilan namang kusang tumatabi sa daan para bigyang-daan ang paglalakad nito.Napakurap siya.Grabe! CEO ba 'to? Kaya pala kung pagsabihan ako kanina parang siya ang may-ari ng isla.Hindi niya napigilang mapatingin dito. Diretso lang ang tingin nito sa unahan. Pareho pa rin ang maayos na tindig at kalmadong paglalakad.Parang sanay na sanay na ito sa ganoong klaseng pagtrato. Samantalang siya, pakiramdam niya ay gusto na niyang mag-good morning na rin sa lahat para hindi nakakailang.Ilang sandali pa ay h
Last Updated : 2026-08-01 Read more