Hindi agad nakasagot si Alyssa. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya matapos marinig ang sinabi ni Lucian."I wouldn't go there alone."Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nag-aalala ba ito para sa kaniya o isa iyong warning? Marahan siyang napalunok bago muling ibinaling ang tingin sa malaking mapa na nasa harapan nila.Napakadetalyado ng pagkakagawa nito. Halos bawat daanan, gusali, hardin, at pribadong bahagi ng Isla Verde ay may nakalagay na mark sa mapa.Ngunit iisang lugar lang ang paulit-ulit na hinihila ang paningin niya.ZONE 3. Location 17. The Old ChapelHindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi naman siya relihiyosong tao na mahilig bumisita sa mga lumang simbahan. Pero sa tuwing nakikita niya ang pangalang iyon, parang may kung anong kumakalabit sa loob niya.Parang may alaalang pilit bumabangon ngunit hindi pa tuluyang lumilitaw. O baka naman, may taong naghihintay sa kaniya r
Last Updated : 2026-08-07 Read more