Hindi na namalayan ni Alyssa kung gaano katagal silang nanatili ni Damien sa terrace. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya, humahalo sa kalmadong tunog ng mga alon na humahampas sa pampang.Tahimik lang silang dalawa. Nakasandal sa railing, magkatabi pero walang nagsasalita. Wala nang nag-ungkat tungkol sa nakaraan. Wala nang nagtanong tungkol sa lumang litrato, o kahit tungkol sa nakakabaliw na kasunduan ng mga pamilya nila.At sa unang pagkakataon, parang sapat nang naroon lamang sila, magkasama sa ilalim ng mga bituin, nang walang kailangang ipaliwanag.Hanggang sa biglang may sumira sa romantic na katahimikan. Tumunog ang tiyan niya.Nanlaki ang mga mata ni Alyssa. Pakiramdam niya ay biglang umakyat lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa hiya.Dahan-dahan siyang napatingin kay Damien. Tahimik lang itong nakatitig sa kaniya, pero kitang-kita niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi nito."You didn't hear that," mabilis na sabi niya, pilit itinatago ang pamumula
Last Updated : 2026-08-12 Read more