Wife? Tama ba ang pagkakarinig niya kay Preston?Hindi makapagsalita si Jade. Pakiramdam niya'y nalunok niya ang sarili niyang dila habang matamang nakatingin sa mga mata ng lalaki.“Is that true?” usisa ng ama nito.Hindi niya alam ang isasagot. Tahimik lang siya nang sandaling iyon. Mayamaya pa, tumayo si Preston bago umikot sa puwesto niya. Hinila siya nito patayo, saka masuyong inilapit ang bibig sa tainga niya.“Sabayan mo na lang ako, Jade,” bulong nito bago ipinulupot ang braso sa baywang niya.Tumango siya. “Y-Yes po, I'm… I'm Preston's wife…” nauutal niyang sagot bago bahagyang isinandal ang ulo sa balikat nito.“Really? I can't believe it, Preston. Tinupad mo ang hiling kong bumalik ka rito kapag may asawa ka na. You didn't disappoint me, son,” sambit ng matanda bago buong-ngiting bumaling sa kaniya. “What's your name, hija?” tanong pa nito.“J-Jade po…”“Jade, since you're my son's wife, I'm giving you this restaurant,” ani ng matanda, dahilan upang manlaki ang mga mata niy
Last Updated : 2026-07-26 Read more