“Well, well, well…” Nakangising lumapit ang ina ni Evren kay Charlotte, si Eleanor. Marahan nitong ipinatong ang hawak na bag sa island counter at walang pag-aatubiling sinampal ang babae.Sa lakas ng sampal ng biyenan niya kay Charlotte, nahulog ito mula sa kinauupuang stool. Bumagsak ang panga ni Jade, samantalang ang asawa niya ay nag-aalalang nilapitan ang kabit nito.“What did you do, mom?” singhal ni Evren sa ina.“I did what I think is right. Ano'ng ginagawa ng babaeng ‘yan sa pamamahay niyong dalawa ni Jade?” nakatiim nitong tanong bago lumingon sa kaniya. “Ikaw, Jade, bakit parang wala lang sa iyo ang pagpunta ng kabit ng asawa mo rito?” tanong pa nito sa kaniya.Mahina siyang natawa. “May choice pa ba ako, mom?” At mas lalo siyang natawa nang maalala ang nangyari noong nakaraan, kung saan tinanggihan nito ang kagustuhan niyang makipag-divorce kay Evren. “Besides, choice po ng anak niyo ‘yan.”“Tama ka, Jade. It's my son's choice, pero bilang asawa niya, you also need to deci
Last Updated : 2026-08-08 Read more