“Coffee?”Mabilis na nag-angat ng tingin si Jade kay Preston nang buksan nito ang pinto ng sasakyan. Nakaunat ang kamay nito sa harap niya, may hawak na isang cup ng kape.Bagama't hilam pa ang mga mata, ngumiti siya bago tinanggap ang kape. Sumakay naman si Preston at pinagmasdan siya nang may pag-aalala.“Do you want me to check you up?”Bahagya siyang natawa. Sumimsim muna siya sa kape bago sumagot.“Para saan naman, Preston? I'm o—”“You don't look okay, Jade,” putol nito at marahang sinasalat ang noo niya. “Medyo mainit ka. At kanina, nang sunduin kita, you were hyperventilating. Kung papayag ka, I will—”“I'm fine!” mariin niyang putol dito. “Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Gusto ko lang makalayo. Gusto ko munang maglaho sa buhay ni Evren kahit isang gabi lang. 'Yon lang ang gusto ko, Preston.”Tumango ito bago kumagat sa hawak nitong pastry.“O-Okay, if you say so. Basta kapag may kakaiba kang nararamdaman, sabihin mo lang sa akin, okay? You're stressing yourself out, Ja
Terakhir Diperbarui : 2026-08-04 Baca selengkapnya