Hindi pa man sumisikat ang araw, nagising na agad si Jade. Ngayong araw, nakaplano ang pagharap niya sa kasong isinampa ni Charlotte laban sa kaniya. Hindi siya natatakot, sapagkat alam niya sa sarili niyang si Charlotte ang nauna.Lumabas siya sa balkonaheng nakakonekta sa silid ni Preston, kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit nang mag-Pasko, ngunit heto’t sunod-sunod na problema ang kinakaharap niya. Umaasa siyang sana, bago mag-Pasko, maging masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya.“Baby, pangako, hindi ko hahayaang maranasan mo ang kaguluhang nararanasan ko. I will make sure na bubuhayin kita nang maayos at malayo sa mga taong unti-unting sumisira ng buhay ko,” emosyonal niyang sambit habang sapo ang kaniyang tiyan.“Baby, are you okay?”Napapitlag si Jade nang marinig ang tinig mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya, bumungad sa kaniya si Preston—na kahit bagong gising ay sobrang guwapo pa rin.“Okay lang ako, Preston.”“You’re not
Last Updated : 2026-10-08 Read more