“Huwag mong sabihing—”“Baka importante ’yon, Preston,” putol ni Jade sa nobyo.“Nandoon si Charlotte, Jade. Ayokong magkita kayong dalawa at mag-away na naman kayo.”“Iiwas ako. Ayoko na ring makipag-away sa kaniya. Ako na ang iiwas. Ako na ang lalayo.”“Jade, look—”“Please, Preston. Just this time,” pakiusap ni Jade habang sinasapo ang braso ng nobyo.Wala nang nagawa si Preston kundi ang bumuntong-hininga. Sa huli, itinuon na lamang niya ang atensyon kay Drax, na nasa kabilang linya pa rin.“Pupunta ako, Drax.”“Okay, Jade. Hinihintay ka na niya.”Sa halip na sumagot pa, pinatay na ni Jade ang tawag bago binalingan si Preston.“Sa Hacienda Ashbourne tayo, Preston.”Napailing ang lalaki. “Sa tingin mo ba, magandang ideya ito kaysa harapin muna ang kasong isinampa sa iyo ni Charlotte?”Ramdam ni Jade ang pag-aalala ni Preston. Naiintindihan naman niya ang nobyo, pero marami pa silang oras para harapin ang kaso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang sabihin ni Drax na gusto siyang
최신 업데이트 : 2026-10-20 더 보기