Kinabukasan.Alas-singko pa lang ng umaga, gising na si Venice.Hindi siya nakatulog nang mahimbing. Buong gabi ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang keycard, ang bahay, at ang lalaking hindi na siya maalala. Pero kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang maging malakas.Maingat siyang pumasok sa kwarto ng mga bata. Si Rian ang unang gumising, gaya ng dati. Si Raine ay nagtatampo pa sa unan. Si Rio naman ay tahimik na nagmamasid.“Gising na, mga baby,” mahina pero malambing niyang sabi. “School day.”Isa-isa niyang ginising at inalalayan. Habang nagbibihis si Raine, habang nagsusuklay si Rian, at habang tahimik na nakaupo si Rio, sinamantala ni Venice ang sandali.Lumuhod siya sa harap ni Rio at hinawakan ang magkabilang balikat nito.“Rio… ikaw ang pinakamatanda at panganay, pero ikaw din ang pinakamatulungin. Alagaan mo sina Rian at Raine, ha? Kung may problema, sabihin mo agad kay Tita Mara. Siya ang maghahatid at susundo sa inyo ngayon.”Si Rio ay tumango nang seryoso. “O
Dernière mise à jour : 2026-08-28 Read More