Nang makauwi sila sa maliit na bahay na inuupahan sa Quezon City, tahimik ang lahat. Ang tatlong bata ay pagod na. Si Rian ay agad na nahiga sa sofa, si Raine ay yakap-yakap ang unan, at si Rio ay tahimik na nakaupo sa gilid habang hawak ang sketchbook.Si Venice ang nag-asikaso sa kanila,kinakaya mag-isa alagaan ang triplets. Nang makatulog na ang tatlo, saka lang napaupo si Venice sa sala kasama si Mara.Ang gabi ay tahimik. Tanging ang tunog ng electric fan ang naririnig.Si Mara ay nakaupo nang nakayuko, hawak ang baso ng tubig. Ang mga mata niya ay namumula pa rin.Si Venice ang unang nagsalita.“Mara…”Napatingin ang kaibigan.“Ano’ng plano mo ngayon?” tanong ni Venice nang mahina pero direkta. “Babalik ka pa ba sa States… o mananatili ka rito?”Matagal na natahimik si Mara. Tinitigan niya ang baso sa kamay bago huminga nang malalim.“Ven… may naiwan sina Papa at Mama,” mahina niyang sabi. “Yung negosyo ng pamilya. Yung maliit na trading at distribution business na matagal na ni
Last Updated : 2026-08-17 Read more