Ang umaga sa Los Angeles ay malamig. Ang araw ay bahagyang natatakpan ng manipis na ulap. Sa maliit na apartment sa isang tahimik na kapitbahayan, si Venice Reyes ay nakaupo sa gilid ng kama, hinahaplos ang malaki na niyang tiyan. Anim na buwan na. Anim na buwan ng pagduduwal, pagkapagod, pananakit ng likod, at walang katapusang pag-aalala.“Rian… Raine… Rio…” bulong niya nang mahina, ang mga daliri ay dahan-dahang gumagalaw sa ibabaw ng tiyan. “Mommy is awake. Good morning, my babies.”Parang sumagot ang tatlo. May mahinang sipa sa kanan, pagkatapos ay sa kaliwa, at isa pang malakas na galaw sa gitna. Ngumiti si Venice. Sa kabila ng lahat ng hirap, ang mga sandaling ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas.“Ven! Ready ka na?” tawag ni Mara mula sa sala. “Ang appointment natin is 9:30. Ayaw kong ma-late tayo.”“Oo, sandali lang,” sagot ni Venice habang dahan-dahang tumayo. Ang katawan niya ay mabigat na. Ang bawat kilos ay nangangailangan ng effort. Kinuha niya ang malaking cardigan at i
Last Updated : 2026-07-28 Read more