CHLOE POV "READY na ang pagkain sa dining area. Ano ang gusto mo, dadalhin ko ang mga pagkain dito sa loob ng silid para dito ka na lang kumain or bababa ka?" malumanay na tanong ni Jerome sa akin Nakapagbihis na siya at mukhang may lakad siya. Kaagad din naman akong nagtalukbong ng kumot Wala akong gana na kausapin siya. Dahil para sa akin, wala na kaming dapat pang pag-usapan. "Chloe, kausapin mo naman ako. Alam kong galit ka sa akin pero, maniwala ka sa akin, wala akong masamang intensiyon." seryoso niyang wika Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Dahil sa totoo lang, hindi ko na din alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon. "Alam kong galit na galit ka sa akin. Kung may nagawa man akong pagkakamali, sorry. Patawarin mo ako, Chloe. Pero, gusto ko lang din sabihin sa iyo na kahit na isumpa mo pa ako, hindi pa rin magbabago ang lahat. Dito ka lang sa piling ko at tutuparin natin ang mga pangako natin sa isa't isa noon na magsasama tayo sa hirap at ginhaw
Last Updated : 2026-09-16 Read more