CHLOE POV PAGKATAPOS kumain ng meryenda, kaagad na din namang nagpaalam sila Trexie na uuwi na. Ako naman, tahimik na niligpit ang mga ginamit naming mga kubyertos bago ko tinulungan si Cheryl sa mga lessons niya At habang nandito kami sa living room na mag-ina, siyang pagbaba naman ni Francis mula sa second floor ng bahay. Nakabihis siya at alam kong aalis na naman siya '"Daddy!" tawag sa kanya ni Cheryl. Nakangiting kaagad namang lumapit si Francis sa anak "Cheryl, baby...kumusta ang prinsesa ko?" galak namang tanong niya. "Okay, Daddy! Happy and you know what, sinabi ni teacher na excellent daw po ako.'" pagbibida ni Cheryl sa ama niya "Talaga? Wow, ang galing naman ng prinsesa ko.'" tuwang tuwa na sagot ni Francis sa anak. Pagkatapos noon, ibinaling niya ang tingin sa akin at muling nagsalita "Chloe, excellent daw ang anak natin sa School, let's celebrate. Kain tayo sa labas." wika niya. "Huh?"gulat kong bigkas. Ang akala ko, aalis siya ng siya lang. Hindi ko naman
Terakhir Diperbarui : 2026-09-09 Baca selengkapnya