CHLOE POV "JEROME, hindi niya ako kinidnap." sabat ko din naman. Kahit sa ganitong paraan man lang, gusto kong ipadama kay Francis na sa kanya ako kampi Hindi ko man siya minahal pero pinapahalagahan ko naman ang mga taon na magkasama kami At hanga't maaari, ayaw kong pag-initan siya ni Jerome Kung totoosin, wala siyang laban dito. Mapera si Jerome at lahat kaya niyang bayaran makuha lamang ang gusto "Hindi ka niya kinidnap? Really, Chloe, bakit noong isinakay ka nila sa eroplano at dinala sa ibang bansa na wala kang malay, hindi ba kidnapping ang tawag doon?" seryosong sagot naman ni Jerome sa akin "Hindi iyon kidnapping, at kahit na wala akong malay, kahit na hindi ko alam ang mga nangyayari, kung hindi dahil kay Francis baka patay na ako ngayon." umiiyak ko nang bigkas "Kaya kitang ipagamot! Chloe, tandaan mo, kayang kaya kitang ipagamot ngunit, hindi ako binigyan ng pagkakataon ng lalaking iyan at ni Trexie na gawin iyon." galit niya ding sagot sa akin "Naaksidente
Last Updated : 2026-09-19 Read more