CHLOE POV "Chloe, ibabalik ko ang tanong ko sa iyo kanina, gaano ka kasigurado na legal ang kasal niyong dalawa ng lalaking iyon?" muling tanong sa akin ni Jerome. HIndi ako nakasagot. Oo, alam kong ikinasal kami ni Francis at isa iyong christian wedding. May wedding preparations, nagsuot ako ng wedding gown, may mga abay, may tumayo din noong mga ninong at ninang pati na din iba pang mga bisita..pero kahit na kailan, hindi ko na- icheck ang marriage certificate naming dalawa ni Francis kung legal ba ang kasal na iyon.. Dahil pagkatapos ng kasal, pareho kaming naging abala noon. "Alam mo bang kung sakaling narehistro ang kasal niyo, pwede ko pa rin kayong habulin ng lalaking iyon? Chloe, ako ang asawa mo so legally speaking, kahit iyang anak mo, sa batas natin dito sa Pilipinas, dapat apelyedo ko din ang gamit niya." muling wika ni Jerome Kaagad din namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Lalo na at hindi ko inaasahan na pati si Cheryl ay idadamay niya dito "Hindi!
Terakhir Diperbarui : 2026-09-07 Baca selengkapnya