CHERLY POV "Ano? Huwag mong sabihin na matulala ka nalang diyan? Cheryl?" Kung hindi pa ako inakbayan nitong si Kuya Jeric, baka habang buhay na lang akong matulala. Shit, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit feeling ko naging weird ako? Haysst, ano ba iyan? Para namang stranger itong si Kuya Jeric eh. Hinalikan lang naman ako sa pisngi at kung makatulala naman ako ngayon, akala mo kung ano na eh. "Ha? Uhmmm, Kuya naman eh. Kung kiss lang, walang problema. Everyday, ikikiss kita." natatawa kong wika para mapagtakpan ang panandalian kong pagkatulala kanina. At hindi pa ako nakontento at tumingkayad pa ako para halikan din siya sa pisngi "Woaaa Wow, that's so generous, Cheyl! Fine, everyday, dapat may kiss, okay?" natatawang wika ni Kuya Jeric "Sure, Kuya." ani naman ni Sheena. Tumayo ito at lumapit kay Kuya Jeric at humalik din sa pisngi nito Sa sandaling ito, hindi ko na tuloy mapigilan ang mapaismid. Haysst, ano ba ito? Bakit napunta sa kiss ang topic naming tatlo?
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-27 อ่านเพิ่มเติม