CHLOE POV WALA pang alas diyes, nasa hospital na ako. Naghihintay na si Trexie sa akin at nang makita niya ako, kaagad niya akong niyakap ng mahigpit "Relax, okay?" pabulong niyang wika sa akin "I'm scared." kinakabahan kong bigkas. Hangat maaari, ayaw ko na sanang umiyak pa ngunit, kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. "Nandito ako. Chloe, palagi mong tandaan na nandito lang ako." seryoso niyang wika At pagkatapos noon, kaagad niya akong inakay patungo sa clinic niya. Mabilis niya akong sinuri na kagaya ng isang normal na pasyente. Muli niya akong tinanong sa mga simptomas na naranasan ko AT dahil nagdadalang tao, kaagad siyang nag request ng MRI procedure para sa akin. Iyon daw kasi ang pinaka safe na paraan para makita ang kung ano ang kondisyon ng bungo ko. Lalo na at nagdadalang tao ako "Malalaman ko ba kaagad ang result ngayong araw?" tanong ko sa kanya "Yes, this is urgent at lumalabas din naman kaagad ang result. Don't worry, ako ang attending doct
Last Updated : 2026-10-02 Read more